
23/07/2025
BREAKING: Natanggap na ngayong hapon ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang aprubadong resolusyon ng Sangguniang Panlungsod na nagsasailalim sa buong Lungsod ng Maynila sa isang state of calamity dahil sa sunod-sunod na pag-ulan at malawakang pagbaha na dulot ng Bagyong Crising, Bagyong Dante, at ng habagat.
Sa pamamagitan ng isang liham kahapon, hiniling ng alkalde na magsagawa ng emergency session ngayong araw upang aprubahan ng Konseho ang kanyang rekomendasyon, nang sa gayon ay mapabilis ang paglalaan ng pondo at pagbibigay ng tulong sa mga apektadong residente. | via City Public Information Officer E-jhay Talagtag, MPIO