03/05/2026
Noong bata pa ako, may malinaw na picture na ako ng gusto kong buhay pag nagkaroon na ako ng sariling pamilya.
Gusto ko simple lang, pero maayos. Yung tahanan na hindi puno ng sigawan. Ayoko rin ng bahay na laging may tampuhan, sumbatan, at stress dahil sa pera o bisyo.
Ang pangarap ko noon, tahimik na buhay kasama lang ang asawa at mga anak ko—yung prioridad namin isa’t isa at ang ikabubuti ng pamilya. Yung relasyon na may respeto, may maayos na usapan, kahit magkaiba ng opinyon, hindi kailangang mauwi sa sigawan o mura.
Ayoko rin ng buhay na may takot o pananakit. Gusto ko yung magkasama kaming lumalaban sa buhay, nagtutulungan, lalo na sa pagpapalaki ng mga anak.
Sa mga anak ko naman, gusto ko lang maibigay yung basic na kailangan nila—hindi sila maghihirap sa simpleng bagay tulad ng maayos na damit, tsinelas, o pag-aaral. Kahit hindi marangya, basta komportable at maayos ang buhay nila.
Hindi ko hinangad ng engrande. Hindi ko hinabol ang mayaman o sobrang perfect na partner. Ang gusto ko lang talaga noon ay kapayapaan sa isip at sa buhay.
Oo, alam ko—ang pamilya hindi laging tahimik. May ingay, may gulo, may pagod. Normal yun. Ako mismo, napapagalitan ko rin ang mga anak ko kapag hindi na talaga nakikinig 😅
Pero sa kabila ng lahat, masasabi kong kahit papaano, unti-unti kong naabot yung buhay na dati ko lang pinapangarap. 🙏