14/06/2025
"Kung Sakali" — Sulat ng Isang Ina
Para sa aking mga anak,
Kung sakaling dumating ang araw na hindi ko na kayo mahawakan,
kung ang boses ko ay maging alaala na lang,
at ang yakap ko ay isang init na hinahanap niyo sa gabi—
pakatandaan ninyo ito:
Hindi sakit ang kinatatakutan ko.
Hindi rin ang kamatayan.
Ang pinakakinatatakutan ko ay ang maiwan kayo,
na walang makakapagmahal sa inyo
katulad ng pagmamahal ko.
Dahil ang pagmamahal ko, hindi lang basta salita.
Nasa mga maliliit na bagay ito—
sa pagtutupi ng kumot niyo sa gabi,
sa pag-alala ko sa paborito ninyong ulam, kahit kayo nakakalimot,
sa pagpili kong mapagod, basta’t hindi kayo ang mahirapan.
Walang ibang taong makakabasa ng katahimikan niyo gaya ko.
Walang ibang mag-aalala ng kasing tindi ng pag-aalala ko
sa bawat ubo, buntong-hininga, at lungkot na hindi niyo binabanggit.
Pero kung darating ang araw,
na wala na ako sa tabi ninyo,
huwag ninyong iisipin na nag-iisa kayo.
Dahil ibinuhos ko na sa inyo ang lahat ng pagmamahal ko.
Nasa puso niyo na ito.
Makikita niyo sa sarili ninyong kabutihan,
sa tapang ninyong harapin ang mundo,
at sa paraan ng pagmamahal ninyo sa iba.
Maaaring wala nang magmamahal sa inyo
eksaktong katulad ng pagmamahal ko—
pero ayos lang ‘yun.
Dahil natutunan niyong mahalin ang sarili niyo
sa pagmamahal na ipinakita ko sa inyo.
At ang pagmamahal na ‘yun…
ay sapat na.
Nagmamahal,
Mama