25/09/2025
๐๐๐ง๐ ๐ซ๐จ๐ฏ๐ ๐๐ซ๐๐ ๐๐ฅ๐๐ง๐ญ๐ข๐ง๐ ๐๐ญ ๐๐จ๐๐ฌ๐ญ๐๐ฅ ๐๐ฅ๐๐๐ง-๐ฎ๐ฉ ๐๐ซ๐ข๐ฏ๐, ๐๐๐ฆ๐ฉ๐จ๐ค ๐ฌ๐ ๐๐ข๐๐ค ๐๐๐ ๐๐๐ฅ๐๐๐ซ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐ง๐ ๐๐ญ๐ก ๐๐๐๐๐ ๐
๐ข๐ฌ๐ก ๐๐จ๐ง๐ฌ๐๐ซ๐ฏ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐๐๐ค ๐ฌ๐ ๐๐๐ฅ๐๐ฐ๐ข๐ ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐๐ ๐ฎ๐ข๐ง๐๐๐ง๐๐จ
Datu Blah Sinsuat โ Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng 62nd National at 6th BARMM Fish Conservation Week, matagumpay na isinagawa ng Ministry of Agriculture, Fisheries, and Agrarian Reform (MAFAR) โ Maguindanao ang mangrove planting at coastal clean-up drive, kahapon, Setyembre 23, 2025 sa Barangay Penansaran, Datu Blah Sinsuat.
Sa temang โPangisdaang Masagana, Sapat na Isda sa Bawat Pamilya,โ layunin ng aktibidad na bigyang-diin ang kahalagahan ng pangangalaga ng yamang-dagat para sa masaganang pangisdaan at mas maunlad na kabuhayan ng bawat pamilya.
Pinangunahan ang nasabing aktibidad ni Chief Aquaculturist Norhata Dumasil, katuwang ang buong Fisheries Division ng MAFAR-Maguindanao at mga aquaculturist mula sa ibaโt ibang bayan ng Maguindanao at sa pakikipagtulungan MAFAR Municipal Office ng Datu Blah Sinsuat, Philippine National Police (PNP), Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO), at Barangay Local Government Unit ng Penansaran.
Sa kanyang mensahe, ipinaabot ni Chief Aquaculturist Dumasil ang kahalagahan ng nasabing aktibidad hindi lamang bilang simpleng pagtatanim ng puno kundi bilang simbolo ng pag-asa para sa hinaharap.
โItanim natin sa ating mga puso ang intensyon na hindi lamang ito basta pagtatanim ng puno, kundi isang pag-asa na makakatulong sa ating kalikasan para sa mga susunod na henerasyon,โ aniya.
Mahigit 2,000 mangrove propagules ang matagumpay na naitanim, kasabay ng malawakang paglilinis sa mga bahagi ng baybayin ng Barangay Penansaran. Inaasahan ding masusundan pa ito ng iba pang inisyatiba sa mga darating na araw upang patuloy na maisulong ang adbokasiya para sa pangangalaga ng likas-yaman at pagtataguyod ng masaganang pangisdaan.