21/10/2025
“ANDAMI MONG KASALANAN KA SA AMIN”
Me like “Whuuuuut? 😬
Ano ang mararamdaman mo pag sa unang kita nyo e yun ang sasabihin sayo? 😁
Di ako nagpapahalata pero sipang sipa ang pag ooverthink ko kung ano ba talaga ang nagawa kong kasalanan sa kanila. Talagang to the level na “May anak ba sila na dumaan sa buhay ko na nasaktan ko noon?” Ganong level na. Kase wala akong maalala at natatandaan.
Habang lumalalim ang kwentuhan namin tungkol sa buhay nila bago nila ako napanood sa Youtube, 50/50 hati ang isip ko. Yung sobrang intresado ako sa kwento ng buhay nila at yung “kung ano ang kasalanan ko sa kanila”
Nagtatrabaho silang mag-asawa sa isang malaking kumpanya for almost 32 years. To make the long story short 32 years na silang puyat!
And realizes after 32 years na hindi talaga maganda sa isang tao ang laging puyat! May singil sa huli yan e. (Kaya wag kayo magpupuyat lagi)
Si sir, nagmomotor palang ako nung dumaan ako sa feed ng Youtube nya hanggang sa nag vanlife na ako. Nanonood parin.
‘BUHAY NITO ANG GUSTO KONG MAGING BUHAY” ang nag pop up sa isipan ni sir habang pinapanood ako sa “YouTube”
Nagulat ako pero di ako nagpapahalata. At the back or my head, “Buhay ko ang gusto mong maging buhay sir?” e napaka simpleng buhay lang meron ako. Pakalat kalat lang naman ako kahit saan para magtrabaho gamit tong nakapaka liit kong Camper Van tapos Surplus pa.
Kwento sa akin ni Ma’am nagpaalam ang Mister nya sa kanya. May mga bibilhin ako at iipunin ko ng hindi mamadaliin. Since na very supportive naman si Ma’am sa Mister nya. May mga dumadating na mga Parcels unti unti. Iniipon lang ni Sir sa storage room nila. Curiosity lang meron si Maam sa Mister nya kung ano ba tong mga binibili nya.
Going straight -
Balikan natin ulit yung salitang “Buhay nito ang gusto kong maging buhay”. After a year, si Sir nag decide nang iwan ang trabaho nya for 32 years. Mataas ang posisyon nya sa kumpaya pero nag resign.
Going straight again. Sinet-up na ni Sir ang mga gamit na inipon nya sa loob ng isang taon at kalahati. And then don lang nakita ng wife nya nung nabuo na.
Isang taon at kalahati - para sa isang Rig pang camping. A 4X4 Pick up truck, equipped with a Rooftent, at marami pang iba.
“Ito pala ang mga binibili mo sa loob ng isat kalahating taon” sabi ng wife nya.
At doon inintroduce ni Sir ang Camping sa wife nya. And during their Camping their Experience. Naging eye opener kay ma’am at na realize nya
“THIS IS LIFE”
Realizations…
Life is not always about the money. But its also about how you enjoy “LIFE” Hindi to naiisip ng lahat lalo na sa mga tinatawag nating “Alipin ng Salapi”
Nagttrabaho tayo para sa pera para mabuhay. Pero ang realidad na kapalit non e yung “Essence of Life nawawala”.
Kelan mo gagawin ang mga bagay tulad ng ganito para sa sarili? Pag matanda kana? Gusto mo mag travel pero di mo na kaya mag drive? Gusto mo mag travel pero di na kaya ng katawan mo?
Di lang yon, this November iiwan nadin ni Ma’am ang trabaho nya para sa “Life” nyang tinatawag. Oras na para naman enjoyin na ang buhay. Bawiin na ang 32 years na pagod at puyat.
After the long conversation, gets ko na kung anong kasalanan ko.
1. Si Sir napa resign sa 32 years na trabaho
2. Si Ma’am, maam mag reresign na din
3. Nag duda si maam kay sir dahil laging hawak ang cellphone sa kwarto - lagi palang nanonood sa mga vlogs ko.
4. Nag selos si Ma’am dahil puro nalang daw BOYP si sir
5. At ang pang huli, yung napaka lupit na Camping Rig nila.
Pero abswelto nako sa mga kasalanan ko. Okay na kami. Kaso sila naman ngayon ang may kasalanan sa iba, sa mga kaibigan nilang napapagastos narin dahil gusto na din ang buhay na kung anong meron sila 😂
Chain reaction of Happiness na ang mangyayari 🥰
Again, Life is not always about the money. Yes kailangan natin yan. Pero ano ba ang essence ng buhay mo? Ang mapagod at mapuyat hahang buhay? Ang tumanda na pinagkaitan mo ang sarili mo na ma experience ang totoong essence na buhay?
Kelan mo gagawin? Pag huli na?
Sa huli, iisa lang ang tanong nyan sa mga sarili natin. “Naging masaya ba ako sa buhay ko?”
End of story.
*wag kayong mag alala kahit nagsi resign sila. Maganda buhay nila. 😉