21/07/2025
"SIGURO PARANG WE'RE JUST NOT ON THE SAME WAVELENGTH..."
Aktres na si Criza Taa, sinagot ang isyu sa pagitan nila at ng ibang ABCD girls.
TONI "Ano naman 'yung sa ABCD girls? Okay, unahin natin 'yung A (Andrea), B (Bea), C (Criza), and then D (Danica). Anong nangyari sa ABCD?"
CRIZA: "Kadenang Ginto" pa lang kasi ate super close na po talaga kasi kami so parang nag-decide kami na, 'Tara, gawa tayo ng group group, video video tayo.' At first ano lang siya joke joke lang siya tapos nagustuhan ng mga tao so lagi na nilang pinapanood so lagi naman kaming nagco-content since lagi rin naman po talaga kaming magkakasama. Friends po kasi talaga kami in real life hindi lang po siya for content."
TONI: "So ano na nangyari ngayon, friends pa rin in real life?"
CRIZA: "Friends pa rin naman po kami. Hindi ko na po masasabing as close as before pero okay naman po kami. Siguro may mga gan'un lang po talagang friendship na it's not meant to last. Parang bigla na lang pong nawala. So hindi ko rin po alam kung ano ang pinaka-main reason [because] we haven't really talk about it po. Siguro parang we're just not on the same wavelength at that time pero good news naman po kasi ngayon okay na po kami. Actually, never naman po kasi kami nagkaruon ng problema parang at that time we're just really need space."
📷:YouTube/Toni Gonzaga Studio