20/09/2025
πππππππππ ππ
πππ. ππππ ππ ππ πππ ππππππ ππ
πππ-π ππππππ π
ππππ ππ
ππππππππππ
20 September 2025
We acknowledge the decision of the Executive to restore P60 billion in so-called "excess funds" from the National Treasury to PhilHealth. It is long overdue. That money, by law and by principle, rightfully belongs to PhilHealth. It should not have been taken from PhilHealth to begin with.
As early as July 2024, before petitions were filed before the Supreme Court questioning the legality of the transfer, as Chair of the Senate Committee on Health at that time, I had already raised serious concerns about its propriety and its adverse impact on healthcare delivery. These funds were clearly and deliberately earmarked by Congress for PhilHealthβto support vital programs and services that directly benefit our citizens, especially the poor and vulnerable.
Tanong ng taumbayan: Bakit ngayon lang ibinalik yan? Saan pa ba sana nila gagamitin ang pondong yan? Bahagi ba ito ng unprogrammed funds sana? Para sa flood control projects sana?
Tapos ngayon na galit ang mga tao, ibabalik nila. Pwede naman pala. Sana hindi na ginalaw ang pondo dahil ilang buhay pa sana ang naisalba natin o ilang pasyente ang nagamot.
Kaya, ngayong balak nang ibalik ang pondo sa PhilHealth, panawagan ko sa ahensya: gamitin ito nang wasto at buong malasakit para sa kapakanan ng mga Pilipino. Gamitin ito upang mabawasan ang bilang ng mga mahihirap nating kababayan na namamatay nang hindi man lang nasuri ng doktor o na-admit sa ospital dahil sa takot sa gastusin.
Sana, wala nang katulad ng yumaong Dr. Walter Jalgaladoβisang provincial health officer mula sa Camarines Norte na buong karera ay nagbayad ng mahigit β±200,000 sa PhilHealth premiums, naospital ng ilang beses, at umabot sa mahigit β±10 milyon ang hospital bill, ngunit β±57,000 lang ang naibigay ng PhilHealth bilang benepisyo.
Wala na sanang katulad ni Mary Ann Tangposβisang ina na nakatira sa kalsada sa Cebu City, na namatay matapos manganak sa bangketa, dahil sa takot sa bayarin sa ospital.
I earnestly hope that the Supreme Court will soon render its decision on the legality of the said transfer. Kung ang magiging desisyon ng Korte Suprema ay unconstitutional pala ang naging transfer ng excess funds, dapat may managot! Hindi pwedeng basta nila gagamitin ang pondo kung saan-saang proyekto nila gusto, at ibabalik na lang kung kailan din nila gusto!
The Executive is restoring β±60 billion not because they found spare funds to cover it, but because the transfer was wrong. It was immoral. It was illegal. It should never have happened.
Kaya tututukan natin ito. Sisiyasatin natin kung paano gagamitin ng PhilHealth ang pondong ito upang masigurong itoβy ilalaan lamang sa mga benepisyo at serbisyong tunay na para sa mga Pilipino.
Dahil, gaya ng paulit-ulit kong sinasabi noon pa, ang PhilHealth ay para sa health ng mga Pilipino. β