News Ngayon

News Ngayon This page is intended for the supporters of Veronica "Kitty" Duterte. Best recognized as the youngest daughter of President Rodrigo Duterte.

Sa palagay ninyo, dapat bang alisin si Mayor Benjamin Magalong bilang special adviser ng Independent Commission for Infr...
26/09/2025

Sa palagay ninyo, dapat bang alisin si Mayor Benjamin Magalong bilang special adviser ng Independent Commission for Infrastructure (ICI)?

Pinag-aaralan ng Malacañang ang posibilidad na tanggalin si Baguio City Mayor Benjamin Magalong bilang special adviser ng Independent Commission for Infrastructure (ICI).
Layunin nito na mapanatili ang pagiging independent ng komisyon sa imbestigasyon ng mga anomalya sa mga proyekto ng imprastruktura.

Ayon kay Atty. Claire Castro, Press Officer ng Palasyo, inatasan ng Pangulo ang legal team na maghanap ng ibang posisyon para kay Magalong upang hindi maapektuhan ang kredibilidad ng ICI.

Nabanggit din ang kontrobersya tungkol sa ipinagawang tennis court sa Baguio na may kaugnayan sa isang contractor na umano’y konektado sa mga Discaya couple, na posibleng magdulot ng conflict of interest para kay Magalong.

maalalang si Mayor Magalong ang isa sa unang naglantad ng korapsyon sa DPWH.

Sa palagay ninyo, dapat ba isama si House Speaker Martin Romualdez sa listahan ng mga dapat kasuhan? Ayon sa rekomendasy...
26/09/2025

Sa palagay ninyo, dapat ba isama si House Speaker Martin Romualdez sa listahan ng mga dapat kasuhan?

Ayon sa rekomendasyon ng NBI, dapat kasuhan ang 21 indibidwal, kabilang ang ilang senador, kongresista, at opisyal ng DPWH, kaugnay ng anomalya sa flood control projects.

Ilan sa mga pinangalanan:

-Sen. Jinggoy Estrada — Senador
-Sen. Joel Villanueva — Senador
-Rep. Zaldy Co (Ako Bicol) — Kongresista
-Former Rep. Mitch Cajayon-Uy — dating Kinatawan ng Caloocan 2nd District
-Henry Alcantara — dating DPWH Engineer
-Roberto Bernardo — dating Undersecretary ng DPWH

Ang mga kasong isinasangguni ay may kinalaman sa indirect bribery, malversation of public funds, at iba pang kaugnay na krimen.
Kasalukuyang pinag-aaralan ng DOJ ang rekomendasyon kung sino ang dapat sampahan ng kaso.

Para sa iyo, dapat bang isama si Martin Romualdez sa listahan ng mga kakasuhan?

“Hontiveros: Marcos Jr., unahin mong ilabas ang SALN mo!” Iginiit ni Senator Risa Hontiveros na dapat pangunahan ni Pang...
28/08/2025

“Hontiveros: Marcos Jr., unahin mong ilabas ang SALN mo!”

Iginiit ni Senator Risa Hontiveros na dapat pangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang inilunsad niyang lifestyle check sa mga opisyal ng ehekutibo sa pamamagitan ng paglalabas ng kanyang sariling Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).

“Since the President ordered lifestyle check, he will set a good example of leadership if he releases his SALN,” ayon kay Hontiveros sa “Kapihan sa Senado” media forum nitong Huwebes.

Pinaalala ng senadora na ang SALN ay isang public document na saklaw ng freedom of information, kaya’t nararapat lang na isapubliko ito ng Pangulo.

Matatandaang inatasan ni Marcos ang lifestyle check matapos lumabas ang mga ulat ng iregularidad sa flood control projects ng Department of Public Works and Highways.

Handa rin umano si Hontiveros, na kabilang sa mga itinuturing na “poorest” members ng Kongreso, na ilabas ang kanyang SALN at ilantad ang kanyang “middle-class lifestyle” para sa pagsusuri ng publiko.

“Hindi masama ang lifestyle checks… kahit papaano, nakakatulong ito para makalikha ng transparency. Kasi kung alam namin na mayat-maya kailangan naming ipakita sa publiko kung ano ang aming lifestyle,” dagdag pa ng senadora.

REP. PAOLO DUTERTE MAY BANAT KAY REP. ABANTEBilang tugon sa hamon ni Rep. Benny Abante kay Mayor Baste Duterte tungkol s...
28/08/2025

REP. PAOLO DUTERTE MAY BANAT KAY REP. ABANTE

Bilang tugon sa hamon ni Rep. Benny Abante kay Mayor Baste Duterte tungkol sa mga flood control projects sa Davao City, iginiit ni Rep. Paolo Duterte na lahat ng proyektong nakalaan sa kanyang distrito ay “maayos na naipatupad at natapos.”

“Ako na mismo ang mag-utos sa DPWH District at Regional Offices na ibigay kay Abante ang opisyal na datos at halaga. At huwag kayong mag-alala sa baha sa Davao — masisiguro kong bawat pisong inilaan ay naipatupad,” ayon kay Duterte.

Dagdag pa niya, wala umanong “ghost projects” o bumagsak na flood control projects sa Davao. Kapag may baha man, agad din daw itong humuhupa.

Binigyang-diin din ng kongresista na kahit sinong Dabawenyo ay maaaring humingi ng datos sa DPWH, kaya’t hindi dapat idinadaan sa pangalan ng kanyang kapatid na si Mayor Baste ang mga tanong.

Hamon pa ni Duterte kay Abante na ipaliwanag kung paano ito nananatiling nakaupo sa Kongreso kahit natalo sa halalan:
“Dapat ba tawaging Congressman ang isang tao na hindi naman nanalo sa boto sa kanyang distrito? Kung Pastor siya, Pastor dapat ang tawag sa kanya, hindi Congressman.”

Binatikos din ni Duterte si Abante dahil umano sa pagiging kaalyado nito ng Makabayan bloc at pinayuhan siyang ilantad din ang kanyang sariling mga pinansyal na interes para sa transparency.

Iginiit ni ACT Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang dapat unang isa...
28/08/2025

Iginiit ni ACT Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang dapat unang isalang sa lifestyle check.

Matatandaang ipinag-utos ng Pangulo ang pagsasagawa ng lifestyle checks sa mga opisyal ng gobyerno kasunod ng mga ulat ng umano’y anomalya sa mga flood control projects.

“Kailangan din pati ang Cabinet… since pinangungunahan ni Pangulong Marcos ang isang supposed na anti-corruption campaign,” pahayag ni Tinio.

Naghain ng ethics complaint laban kay Senadora Risa Hontiveros-Baraquel sina Atty. Jacinto Paras, Atty. Manny Luna, at A...
28/08/2025

Naghain ng ethics complaint laban kay Senadora Risa Hontiveros-Baraquel sina Atty. Jacinto Paras, Atty. Manny Luna, at Atty. Ferdinand Topacio kaugnay ng umano’y witness tampering.

Ang reklamo ay inihain sa Office of the Senate Secretary-General, GSIS Building noong Agosto 28, 2025.

GABUNDOK NA PERA TINAMBAK SA KWARTO NG MGA ILANG KORAKOT NA OPISYALSa panayam ni Jessica Soho, isiniwalat ni Baguio City...
28/08/2025

GABUNDOK NA PERA TINAMBAK SA KWARTO NG MGA ILANG KORAKOT NA OPISYAL

Sa panayam ni Jessica Soho, isiniwalat ni Baguio City Mayor Benjie Magalong ang umano’y garapalang yaman ng ilang opisyal na sangkot sa korapsyon.

Ibinahagi niya ang kuwento ng kanyang source na tinawag niyang kaibigan na hindi pinangalanan:

“Sabi sa’kin ng kaibigan ko, ‘Alam mo, minsan nahihiya na ako, Mayor. Kasi itong mga kasamahan ko, hindi na gumagamit ng cash vault. Room vault na — kwarto na kasi, hindi na magkasya.

Ang ginagawa nila, bibili sila ng mamahaling condominium unit, 2 to 3, minsan 3 to 4 bedrooms. Tapos ’yung isang bedroom, iko-convert nila into a vault room.’”

Lemuel Lubiano, kinikilalang kasintahan ni Claudine Co at madalas na nakikitang kasama sa paglalakbay ng pamilya Co, ay ...
28/08/2025

Lemuel Lubiano, kinikilalang kasintahan ni Claudine Co at madalas na nakikitang kasama sa paglalakbay ng pamilya Co, ay kapatid ni Lawrence Lubiano ng Centerways Construction and Development.

Kamakailan, isinapribado na ang kanyang Instagram account.

“Unang Pagkakataon: Mga Anak ni dating Pangulong Duterte, Nagkita sa ICC Visit sa The Hague”
28/08/2025

“Unang Pagkakataon: Mga Anak ni dating Pangulong Duterte, Nagkita sa ICC Visit sa The Hague”

27/08/2025

🔥 “MAY IBIBIGAY KASI SA KANYANG PWESTONG NAPAKABIGAT"

📺 WATCH: Nilinaw ni PCO Undersecretary at Malacañang spokesperson Claire Castro ang pagkaka-relieve kay dating PNP Chief Nicolas Torre III, at sinabing may nakalaan itong bagong “mas mabigat na posisyon.”

“May ibibigay kasi sa kanyang pwestong napakabigat,” ani Castro.

Nauna nang ipinaliwanag ni Senador at dating PNP Chief Ping Lacson na tinanggal si Torre sa puwesto matapos umano itong “umakto nang lampas sa kanyang awtoridad” nang mag-isa nitong i-relieve ang kanyang second-in-command na si PLtGen. Jose Melencio Nartatez Jr.

Binigyang-diin ni Lacson na ang pagtatalaga at pagbibitiw ng mga miyembro ng PNP Command Group ay dapat aprubado ng Pangulo o hindi bababa’y naka-konsulta sa ex officio chairman ng National Police Commission at sa Kalihim ng Interior and Local Government.

KAYA NAGRESIGN SA NBI?Ayon kay Atty. Rowena Guanzon hindi raw masikmura ni dating NBI Director Jaime Santiago ang pinapa...
26/08/2025

KAYA NAGRESIGN SA NBI?
Ayon kay Atty. Rowena Guanzon hindi raw masikmura ni dating NBI Director Jaime Santiago ang pinapagawa sa kanya kaya ito bumaba sa pwesto.

"May pinagawa kay Jaime Santiago as NBI Director na di niya kayang gawin.
So naghanap sila ng kayang sikmurain yung ipapagawa nila"
-Atty. Rowena Guanzon.

Sinabi ni Senadora Imee Marcos na binalaan na niya noon si inalis na PNP Chief Nicolas Torre III tungkol sa karma matapo...
26/08/2025

Sinabi ni Senadora Imee Marcos na binalaan na niya noon si inalis na PNP Chief Nicolas Torre III tungkol sa karma matapos nitong ibaba sa ranggo ang kanyang dating deputy at ngayo’y PNP Chief, PLtGen. Jose Melencio Nartatez Jr.

“Sinita ko siya. Sabi ko, ‘Bakit ganun? Naku, may balik ’yan. Magdahan-dahan ka.’ Hindi ko naman alam na magiging dilang anghel ako at humihingi ako ng paumanhin – wala akong alam,” ayon kay Marcos.

Bukod sa kapatid ng Pangulo, nakatanggap din ng impormasyon si Senador at dating PNP Chief Ping Lacson na ang pagkakaalis kay Torre ay bunsod ng kanyang sariling desisyon na ibaba sa ranggo si Nartatez.

Address

Davao City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when News Ngayon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

"I DON'T CARE IF I BURN IN HELL FOR AS LONG AS THE PEOPLE I SERVE LIVE IN PARADISE"

Duterte Page for Solid Duterte Supporters