31/08/2025
Bakit bawal sa Panginoon ang gumanti?
HEBREO 1:9 (ADB)
Inibig mo ang katuwiran, at kinapootan mo ang kasamaan; "
yan po ang katuwiran na dapat nating ipamuhay , na dapat tayong lumayo sa kasamaan .
I TESALONICA 5:22 (ADB)
Layuan ninyo ang bawa’t anyo ng masama.
bawat anyo ng kasamaan ,ay ung mga gawang kasamaan.
kaya nga kahit ano pa ang gawin sayo ng tao , mananatili kang tapat sa kanya .
yan ang isang bagay na palaging tinuturo ng Panginoon ,"Wag gumanti sa masama "
ROMA 12:17-21 (ADB)
17. Huwag kayong mangagbayad sa kanino man ng masama sa masama. Isipin ninyo ang mga bagay na kapuripuri sa harapan ng lahat ng mga tao.
18. Kung maaari, ayon sa inyong makakaya, ay magkaroon kayo ng kapayapaan sa lahat ng mga tao.
19. Huwag kayong mangaghigantihan, mga iniibig, kundi bigyan ninyong daan ang galit ng Dios: sapagka't nasusulat, Akin ang paghihiganti; ako ang gaganti, sabi ng Panginoon.
20. Kaya’t kung ang iyong kaaway ay magutom, pakanin mo; kung siya’y mauhaw, painumin mo: sapagka’t sa paggawa mo ng gayon ay mga baga ng apoy ang ibubunton mo sa kaniyang ulo.
21. Huwag kang padaig sa masama, kundi bagkus daigin mo ng mabuti ang masama.
sabi ng Panginoon , "Huwag kayong mangagbayad sa kanino man ng masama sa masama"
dahil ang masamang gawa ang dahilan kaya siya naging masama , kung gumanti tayo sa masama , ano ba ang pagkakaiba natin sa kanila ?
kaya nga ;
Huwag kang padaig sa masama, kundi bagkus daigin mo ng mabuti ang masama.
ito'y laban sa mabuti at masama , madilim at liwanag .
hindi laban ng laman at dugo .
EFESO 6:12 (ADB)
Sapagka’t ang ating pakikibaka ay hindi laban sa laman at dugo, kundi laban sa mga pamunuan, laban sa mga kapangyarihan, laban sa mga namamahala ng kadilimang ito sa sanglibutan, laban sa mga ukol sa espiritu ng kasamaan sa mga dakong kaitaasan.
pano nating labanan ang kasamaan?