
30/08/2025
Kahapon buwan ng Wika sa school nila Rayan. Gusto ko talaga maexperience niya some of the traditions dito sa pinas. So gusto ko siya magsuot ng Barong. Whole day kami paikot-ikot ni Ram makahanap lang ng Barong. Hindi ko inexpect na magkakaubosan pala 😭 Kasi sa India ang “Kurta” Indian traditional attire talagang available anywhere you go literal so kahit last minute ka bumili may mabibili ka talaga. So ako na last minute mama day before the event pa naghanap ng barong. Nagpunta kami sa mga clothes for rent shops, ilang malls ang pinuntahan namin sold out na daw 🤣 Luckily may 2 piece of Barong kaming nakita sa NCCC mall medyo malaki pa talaga kay Rayan pero carry boom boom na no choice binili namin! Kaya ayan ito na ang suot niyang Barong Tagalog. Medyo naguilty parin ako kasi I want him to be confident sa school na maganda ang Barong niya but this is the only thing available (medyo malaki pa 🥴) but still gwapo pa din ang ating Rayan. Looking forward for more Philippine traditions na maexperience ni Rayan lalo na ang pasko 🥳 wala lang naikwento ko lang.