Mrs. G

Mrs. G I’m not embarrassed about anything I went through. What may be “tea” for you, is a testimony for me.

If you’re gonna talk about what broke me, invite me to the table so I can tell you how God turned those broken pieces into a BLESSING! ☝️🙏🥰

🙏
01/06/2025

🙏

31/05/2025

May 31st.
Nabayaran na ba si judit? 🤭🤗

31/05/2025

Last day of May.
Thank You Lord for all the blessings! 🙏

30/05/2025

Escabeche na Tilapia 🥰🥰

Disclaimer:
DILI ko Chef and dili ko hawdest moluto. I'm still learning. Some recipes kay ginasundog lang nako sa mga cooking videos (with attached link), while some kay na-learn nako sa mga kapamilya, kapuso, at kabarkada. 🤭🤗😂🥰

30/05/2025

Pork Embutido 🥰🥰

Disclaimer:
DILI ko Chef and dili ko hawdest moluto. I'm still learning. Some recipes kay ginasundog lang nako sa mga cooking videos (with attached link), while some kay na-learn nako sa mga kapamilya, kapuso, at kabarkada. 🤭🤗😂🥰

30/05/2025

Sinigang na Pompano 🥰🥰

Disclaimer:
DILI ko Chef and dili ko hawdest moluto. I'm still learning. Some recipes kay ginasundog lang nako sa mga cooking videos (with attached link), while some kay na-learn nako sa mga kapamilya, kapuso, at kabarkada. 🤭🤗😂🥰

27/05/2025

Bistik Bisaya. 🥰🥰

O.G. recipe: Ma'am Mary Ann Marquito
Link sa full video:
https://www.facebook.com/share/v/1BiJcHi7Hk/

Panagsa ra gyud ni dapat lutoon kay dugay mahumok ang karneng baka, goodluck sa gasul haha! 😅😅 Pero kung naa moy de-kahoy or de-uling na luto-anan, gora! 🤗🤗

Disclaimer:
DILI ko Chef and dili ko hawdest moluto. I'm still learning. Some recipes kay ginasundog lang nako sa mga cooking videos (with attached link), while some kay na-learn nako sa mga kapamilya, kapuso, at kabarkada. 🤭🤗😂🥰

‼️
26/05/2025

‼️

Pauwi ako mula NAIA, pagod at sabik nang yumakap sa unan ko, pero ang una kong nakita sa labas? Puro billboard ng sugal. May artista. May mascot. May cartoon characters. Parang pang-commercial ng tsokolate, hindi pang-casino. Ito na ba ang Pilipinas? Isang bansang nalulunod sa utang, binabaha pa ng ilusyon ng “jackpot.”

Disappointed talaga ako. Tapos na ang 2025 elections pero hindi man lang naging mainit na isyu ang pagkalubog ng milyun-milyong Pilipino sa utang dahil sa sugal. Sa gitna ng krisis sa presyo, kakulangan ng trabaho, at pagkaubos ng ipon ng karaniwang tao, bakit walang kandidato ang nangahas pag-usapan ito? Bakit tila walang may lakas ng loob na banggain ang gambling industry? Eh ito na nga ang tahimik na salot na unti-unting sumisira sa pamilya, kabataan, at kinabukasan natin.

Ang gambling addiction, tulad ng paninigarilyo at alak, ay hindi simpleng bisyo. Isa itong public health crisis. Ayon sa mga pag-aaral, ito ay nagdudulot ng depresyon, pagkasira ng pamilya, pagkawala ng kabuhayan, at minsan, nauuwi pa sa pagpapatiwakal. At tulad ng ibang addictions, ang problemang ito ay kinikilala sa medisina bilang isang mental health disorder na nangangailangan ng propesyonal na interbensyon. Ilang bata na ang nag-dropout sa eskwela dahil nalulong sa online betting? Ilang magulang na ang nawala sa bahay dahil hindi na makaharap sa utang? Ilang negosyo ang isinangla sa pag-asang mabawi sa isang taya ang nawalang kapital?

Pero kahit alam na natin ang lahat ng ito, tila walang konkretong aksyon ang gobyerno. Wala tayong nakitang pambansang diskurso. Walang seryosong batas. Walang matinong regulasyon.

Ang kontrobersyang kinasangkutan nina Ivana Alawi, Nadine Lustre, at iba pang artista sa pag-endorso ng gambling ads ay hindi lang simpleng usapin ng ethics. Mas malalim ang problema. Bakit hinahayaan ng gobyerno ang ganitong klaseng promosyon? Bakit parang tahimik ang mga ahensyang dapat ay nagre-regulate nito? Hindi ba’t trabaho ng estado ang protektahan ang mamamayan, lalo na ang kabataan?

Kung tutuusin, may mga batas naman tayong pwedeng gamitin. Nariyan ang Consumer Act of the Philippines o RA 7394 na may probisyon laban sa mapanlinlang na advertising. May Cybercrime Prevention Act of 2012 o RA 10175 para sa online platforms. At kung nagawa ngang ipagbawal ang cigarette ads sa ilalim ng To***co Regulation Act of 2003 o RA 9211, bakit hindi sa sugal? Pareho rin namang health risk. Pareho rin namang bisyo. Ang pinagkaiba lang, mas mabilis sumingil ang sugal. Isang maling taya lang, ubos ang ipon, wasak ang pamilya, may utang ka pa.

Kaya ba selective ang proteksyon? Kapag sigarilyo, bawal ang ads dahil public health risk. Pero kapag sugal, parang walang pakialam dahil malaki ang kita. Mas madali raw kumita ang gobyerno kapag nalulubog na sa utang ang mga mamamayan.

Ang sugal ay hindi simpleng laro. Ilang pamilya na ang nawasak dahil sa isang miyembro na hindi makabitaw sa pustahan. Ilang estudyante na ang nalubog sa utang dahil sa mobile apps na may “instant jackpot.” May mga kakilala akong nalulong sa sugal. Anak pa nga ng kasambahay namin. Estudyante lang siya noon, nagsimulang tumaya sa e-sabong. Gusto lang makalibre ng load, pero nauwi sa pag-utang, tuluyang naligaw.

At sa panahong ang Pilipinas ay baon sa utang, mula sa national debt hanggang personal na pautang sa 5-6 at credit card, bakit natin pinapalaganap ang ideya na sugal ang sagot sa kahirapan?

Ang malala pa, ginagawa nilang pambata ang packaging ng ads. May mascot, may cartoon, may celebrity na para bang ini-endorse sa noontime show. Gusto ba talaga nating turuan ang kabataan na ang pag-asa ay nasa pustahan? Kung bawal maglagay ng mascot sa sigarilyo at alak, dapat bawal din ito sa sugal.

Hindi naman ito imposibleng solusyonan. Sa Italy, pinagbawal ang lahat ng gambling ads noong 2019. Sa Spain, tinanggal ang sponsorships sa sports at online gambling promos noong 2021. Sa Belgium at Netherlands, ipinagbawal ang ads sa TV, radio, pahayagan, at public spaces simula 2023.

Kung kaya ng ibang bansa, bakit hindi natin magawa?

Tila ba masyado na tayong nalulong sa “jackpot mentality.” Na isang taya, isang milagro, isang tiklop ng baraha lang ang makakaangat sa buhay. At habang may mga umaasa sa ganitong pantasya, tahimik ang gobyerno.

May mandato ang gobyerno sa ilalim ng Article II, Section 15 ng Saligang Batas: “The State shall protect and promote the right to health of the people.” Pero ang Philippine Amusement and Gaming Corporation, na dapat ay regulator, ay para na ring marketing arm ng casino at betting apps. Hindi ba’t malinaw ang conflict of interest?

Sa halip na protektahan, para bang sinasadyang malunod ang mga tao sa utang habang sinisingil sila ng buwis.

Kaya hindi lang artista ang may kasalanan. Mas malaking pananagutan ang nasa gobyerno.

Bakit walang batas na malinaw na nagbabawal sa gambling ads?
Bakit walang inisyatiba ang mga mambabatas?
Bakit mas inuuna pa nila ang kita ng industriya kaysa kaligtasan ng mamamayan?

Tapos na ang 2025 elections. Sayang, dahil ito dapat ang isa sa pinakamahalagang usapin.

Sino ang may tapang na banggain ang sistemang ito? Sino ang magpapasa ng batas na tunay na poprotekta sa kabataan at pamilya? Sino ang may malasakit sa taong bayan na nilulunod sa ilusyon ng “jackpot” habang palalim nang palalim ang utang?

Ang Pilipinas ay hindi casino. Ang mamamayang Pilipino ay hindi ticket ng suwerte.

Itigil ang sugal sa kalsada, sa TV, sa billboard, at sa isip ng bawat Pilipino.

Kung napaisip ka, nagalit, o nainspire—ipasa mo ito. Sa bansang nilulunod ng ilusyon ng swerte, ang tunay na laban ay gisingan, hindi pustahan.



Comment the following for the post to reach more Filipinos:

1.
2.

Support your favorite unpaid troll-slayer. Keep this page independent—dahil ang utang na loob ko ay sa taumbayan, hindi sa politiko. Donate to help fight fake news and fuel my chismis with receipts: https://www.facebook.com/share/p/1ZnstFdqTo/?mibextid=wwXIfr

Celebrating my 1st year on Facebook. Thank you for your continuing support. I could never have made it without you. 🙏🤗🎉
23/05/2025

Celebrating my 1st year on Facebook. Thank you for your continuing support. I could never have made it without you. 🙏🤗🎉

Address

Davao City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mrs. G posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share