My Dainty Life

My Dainty Life IT WILL BE OKAY

PAYO SA MAG ASAWA‼️✔️Pag galit asawa mo wag mong sasabayan. Kailangan isa lang ang galit. Kung galit siya hayaan mo siya...
24/09/2024

PAYO SA MAG ASAWA‼️

✔️Pag galit asawa mo wag mong sasabayan. Kailangan isa lang ang galit. Kung galit siya hayaan mo siya manahimik ka. Kapag kalmado na tsaka kayo mag usap at wag matutulog ng magkaaway.

✔️Self control, Kailangan matuto kang kontrolin ang sarili mo. Hindi pwedeng pag galit ka mananakit ka, magsasalita ng masama o umataki.

✔️Tanggpin mo kung ano ang asawa mo, pinili mo yan ginusto mo, kaya kahit ano o sino pa siya matoto kang makuntinto.

✔️Pag may problema, pag usapan nyong dalawa ng pamilya, hindi ng kapitbahay, ng kaibigan at lalo na wag niyo ipost sa fb kapag magkagalit kayo. Sa fb kasi maraming chismosa at chismoso nakikisali kahit hindi alam ang pangyayari.

✔️Kapag nag away kayo masasabing masasamang salita. wag mo dibdibin, isipin mo galit lng siya. Ang taong galit wala namang yang sasabihing maganda hindi ka nyan pupurihin.Gawin mo pasok kanan tainga labas sa kaliwang tainga. At wag kayo mag sisigawan.

✔️Laging yakapin ang asawa at mga anak, nakakagamot ng sama ng loob, nakakawala ng problema pansamantala at nakakagaan ng pakiramdam.

✔️Araw araw mong sabihin sa asawa mong pogi/maganda siya ang bango nya, wag mo pagdudahan na kaya siyanagpapapogi o nagpapaganda dahil sa iba, mas dapat ikaw ang unang maka appreciate nun sa kanya.

✔️Pinakamahalaga ang respect at tiwala kaysa sa love. Dapat yan ang kahit anong mangyari hindi mawawala sa dalawang nagmamahalan.

✔️Gawing kaibigan ang asawa, pag may hindi pagkakasunduan,wag hayaan humantong sa sakitan at hiwalayan.

✔️Open Communication dapat lagi kayong nag uusap, dapat binabalikan nyo ung mga nakaraan nung nagliligawan pa lang kayo, dapat nag de-date pa rin kayo, hanggat maari walang kasamang anak. Pinag uusapan ang problma hindi pinag aawayan.

CTTO❤️

1. RESPETOHindi porke kasal kayo magtatagal na kayo, magtatagal kayo dahil may respeto, pagtitiwala, may understanding a...
12/09/2024

1. RESPETO
Hindi porke kasal kayo magtatagal na kayo, magtatagal kayo dahil may respeto, pagtitiwala, may understanding at pagkakaibigan.

2. NAG AADJUST
Ang totoong pagmamahalan ay pagsasama ng dalawang hindi perpektong tao. Ang pagmamahalan ay desisyong gustuhin ang bawat isa kahit may mga araw na ayaw niyo sa isa't isa.

3. NAG UUSAP AT MAY KUMUSTAHAN
Nagkukumustahan kayo at parehas kayong interesado sa sagot ng bawat isa.

4. HAPPY KABA?
Laging nagtatanungan kung happy ang bawat isa, importante ang malaman kung ano ang feeling ng partner mo at bahagi ito ng responsibilidad mo.

5. MAKINIG
Laging nagtatanungan kung may problema ang bawat isa, at kung meron, ang bawat isa ay nakikinig bago magsalita.

6. BIGAYAN NG OPINYON
Inaalam ang opinyon ng bawat isa kapag may malaking disisyon na gagawin. Kapag ayaw ng isa sa kanila, wala munang disisyon.

7. WALANG HULAAN
Lahat sinasabi, lahat pinag-uusapan. Hindi natutulog hanggang hindi nareresolba ang problema.

8. GIVEWAY
Kapag nagsasalita pa ang isa hindi muna siya nagsasalita, dahil sa kanilang dalawa walang sapawan ang nangyayari.

9. PRIORITY
Laging nagsasabihan ng "ikaw ang priority ko".

10. KAPAG SIYA ANG KASAMA MO, SIYA ANG KASAMA MO
Kapag kumakain kayo ng mapa breakfast, lunch, dinner o kaya mag ko coffee kayo sa labas dapat nasa bag mo lang o nasa bulsa mo lang ang telepono mo.

11. WALANG BALIKAN NG NAKARAAN
Walang banggitan ng Past, kahit lugi ka sa pinag aawayan, walang balikan sa past.

12. I LOVE YOU!
Wag kalimutan ang "I love you" palagi.

13. THANK YOU!
Wag kalilimutan ang mga salitang "Thank you" at "please".

14. IPAG DASAL ANG BAWAT ISA GABI GABI

15. MAGING TAPAT AT HUWAG MANGANGALIWA.

1st Corinthians 16:14
"Be completely humble and gentle, be patient, bearing with one another in love."

01/09/2024

September...

         ゚viral
18/08/2024

゚viral

Address

Davao City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when My Dainty Life posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share