
09/07/2025
Alam mo kung sino ang tunay na kakampi ng mga DUTERTE? Ang taong bayan. Lalo na ang masa, ang mga simpleng Pilipino na unang-unang nakaramdam ng malasakit at tunay na serbisyo. Hindi man perpekto, pero ramdam nila ang pagkalinga.
Ngayon, si Tatay Digong ay nasa loob ng ICC detention facility, 120 araw na. At dumating na sa puntong naghabilin na siya na ano man ang mangyari, sundin na lang ng pamilya ang kanyang mga huling habilin, kabilang na ang pag-cremate sa kanyang labi.
Bilang isang tagasuporta at nagmamahal sa kanya nang lubos, parang dinurog ang puso ko nang marinig ko ito mismo kay VP Inday. Parang nawala ang lahat ng lakas ko. Ramdam ko na tinanggap na talaga ni Tatay Digong ang tinatawag na “DESTINY.” Na kahit nasa loob ng kulungan, o nasa gitna ng laban, tinatanggap niya ito nang buong puso.
Pero tayo, tayong mga Pilipino, handa ba tayo? Handa ba tayong tanggapin kung may mangyaring hindi kanais-nais?
Handa ba tayong ipakita ang isang uri ng pagmamahal at paninindigan na hindi pa nasaksihan ng ating kasaysayan? Handa ba tayong maging matatag, para sa isa’t isa, at para sa bayan?
Panginoon, anuman ang mangyari, gabayan Mo kami. Bigyan Mo kami ng liwanag sa gitna ng dilim. Protektahan Mo ang sambayanang Pilipino. At linawin Mo ang mga pusong nag-aalinlangan.
Hanggang dulo, ilalaban namin ang katarungan para kay Tatay Digong, para sa mamamayang Pilipino, at para sa Inang Bayan.
Tatay Digong, kumapit ka lang. Hindi ka nag-iisa. Maraming nagmamahal sa ’yo. Maraming naghahangad na makita kang malaya. Buhay, malakas, at muling makapaglingkod.
Sapagkat kung may mangyaring masama, lintik lang ang walang ganti. NO GUTS, NO GLORY!
Mabuhay ang mga Pilipino! Mabuhay ang Pilipinas! 💚👊