13/06/2025
assalamualaikum gusto kulang sana mag share ng nararamdaman ko wala na kase akong magpagsabihan puro nalang kase ako ang mali ..
tama paba tong nararamdaman ko! o dala lang ng pagbubuntis ko pakiramdam ko kase parang wala akong asawa, wala akong kausap ,wala akong karamay.. yung bang nagtitiis nalang ako kase iniisip kopa yung mga bata pakiramdam ko na balewala ako sa
asawa ko hindi ko alam kung asawa pa ba ako o ina lnq ng mga anak nya hindi nya ako pinapahalagahan , sinasaktan ako at di nirerespeto bilang asawa , ang sasakit ng mga salitang binibitiwan nya sakin sa tuwing galit sya o nagaaway kami , pakiramdam ko tuloy kung totoong pagmamahal paba ang pinaparamdam nya sakin .. alam ko naman sa sarili ko na may pagkukulang ako bilang asawa marami akong pagkukulang alam koyun at diko tinatangi sabihin nalang natin na ako na yung walang kwentang ina sa paningin nila pero hindi dahilan yun para tratuhin ako ng ganito .. alam muyong pakiramdam na ikaw na yung kusang nagpapapansin o kaya minsan gusto ko sya masulo para makapagusap o makapagkwentuhan manlang gaya ng ginagawa ng ibang magasawa .. sakin kase mas gusto nyang ka kwentuhan mga barkada nya uuwi lnq pag gusto ...
minsan naiingit nako sa ibang magasawa na napakasimple ng pagsasama at nagkakaintindihan pero samin magasawa parang wala lanq .. kaya naman napagdesesyonan kung sa magulang kunalang manatili at subukan syang iwasan baka sakali mapagisip nya kung anong dapat nyang gawin ... naghiwalay kami ng labing dalawang taon akala ko sapat nayun upang mabago sya binalikan ko sya dahil mahal ko sya pero bakit pakiramdam ko bumalik ako sa sutwasyong matagal kunang tinatakasan ngayon nakakulong ako sa isang relasyong walang patutunguhan hehe🤧🥲kung sana lang no naiintindihan nyuko kung anong pakiramdam ng binabalewala sya sige na haba na ng kwento ko baka san pato abutin 🙂🫂