19/03/2025
‘PINANGAKUAN PERO INIWAN’
Gosh, sobrang sakit nun. 🥹💔 Yung feeling na matagal kang nasa isang relasyon, binigay mo ang lahat, pero kulang ka pa rin. Yung pinangakuan ka ng “habangbuhay” pero sa iba niya pala tutuparin. 🥹
Minsan, tinatanong mo sarili mo, “Ano bang mali? Ano ang nagawa ko?” But the truth is, madalas hindi ito tungkol sa iyo. It’s about choices that others make, often for reasons that have nothing to do with you.
Mahirap isipin ngayon, pero minsan kailangan nating masaktan para lumakas at para matutunan kung ano talaga ang pagmamahal na karapat-dapat para sa atin. Hindi ka nagkulang, at hindi ka nagkamali sa pagbibigay ng pagmamahal. Ginawa mo ang lahat and that’s enough.
Hindi lahat ng pagmamahal na ibinibigay ay maibabalik sa parehong paraan, pero hindi lahat ng iniwan ay walang halaga. Darating ang araw na ang taong para sa'yo ay hindi lang mangangako kundi isasabuhay ang pangakong yun.
Sa tamang panahon, makakahanap ka ng pagmamahal na magpapahalaga sa'yo nang buo—yung klase ng pagmamahal na hindi basta-basta bibitaw.
Love will find you again—only this time, it will be the kind that stays. ❤️✨
ctto:MaryTalks