Team Ramos-Atis

Team Ramos-Atis Team Ramos-Atis is our family vlog (Mama, Papa, and kids). Sharing fun, bonding moments, travels, and our life as a team.

Sama-sama sa kwento ng pamilya at online buhay.

Shout out to my newest followers! Excited to have you onboard! Eugenio Decara Malinao, Ruth Ampuan, Ayssa Colisao De Guz...
07/01/2026

Shout out to my newest followers! Excited to have you onboard! Eugenio Decara Malinao, Ruth Ampuan, Ayssa Colisao De Guzman

04/08/2025

🧈🦐Butter Shrimp Recipe (Simple Version)

Mga Sangkap:
Shrimp, buttercup, asin, vetsin, 1cup tubig

Paraan ng Pagluluto:
Sa kawali, tunawin ang Buttercup sa medium heat.
Igisa ang sibuyas at bawang. Isunod ang hipon. Haluin hanggang bahagyang mag-orange o mamula ang kulay. Ibuhos ang 1 cup na tubig. Takpan at hayaang kumulo ng 3–5 minuto. Timplahan ng asin at vetsin. Haluin ulit at hayaang kumulo pa ng 1–2 minuto hanggang maluto ang hipon at medyo malapot ang sabaw-butter. Tikman at i-adjust ang timpla kung kailangan. Ihain habang mainit pa.

18/07/2025

🐟 Sinabawang matambaka na may saluyot

➡️Mga Sangkap:
Matambaka
Saluyot (hinugasan at tinanggalan ng tangkay)
Kamatis, hiwa
Sibuyas Bombay, hiniwa ng pa-ikot o pa-haba
luya, hiniwa ng manipis
2 tasa ng tubig
Asin at paminta, ayon sa panlasa

➡️Paraan ng Pagluluto:
Pakuluan ang tubig sa kaserola o palayok. Kapag kumukulo na, ilagay ang luya, sibuyas at kamatis. Hayaan itong kumulo ng 3–5 minuto hanggang lumambot ang kamatis at maglabas ng lasa.
Idagdag ang matambaka. Hayaang kumulo ng mga 8–10 minuto o hanggang maluto ang isda. Timplahan ng asin at paminta ayon sa panlasa.
Pagkaluto ng isda, ilagay ang saluyot. Haluin ng bahagya at takpan ng 1–2 minuto lang. Huwag masyadong lutuin para hindi maging sobrang malapot o malanta ang saluyot.
Reinalyn Atis

Kentucky beans with pork giniling✅ Sangkap:1 tasa giniling na baboy o baka1 tasa Kentucky beans (hiniwa, mga 1-2 inches ...
15/07/2025

Kentucky beans with pork giniling

✅ Sangkap:
1 tasa giniling na baboy o baka
1 tasa Kentucky beans (hiniwa, mga 1-2 inches ang haba)
1-2 piraso patatas, hiniwa sa cube
3 cloves bawang, dinikdik (lamas)
1 sibuyas, hiniwa
kamatis (optional), hiniwa
1 tbsp toyo (optional)
Asin at paminta
Tubig
Mantika

Paraan ng Pagluluto:
1. Gisa ang lamas:
Sa kawali, painitin ang mantika. Igisa ang bawang, sibuyas (at kamatis kung gusto mo) hanggang malambot at mabango.

2. Ilagay ang giniling:
Igisa hanggang sa mawala ang pink na kulay. Lagyan ng kaunting asin, paminta, at toyo kung gusto mo ng konting kulay at lasa.

3. Ihalo ang patatas:
Lutuin ng 5 minuto hanggang medyo lumambot.

4. Ilagay ang Kentucky beans (sitaw):
Haluin, tapos lagyan ng konting tubig (mga 1/4 cup lang) para lumambot ang gulay.

5. Takpan at lutuin:
Hayaan sa medium heat ng mga 5-7 minuto o hanggang malambot ang lahat ng sangkap.

6. Tikman at i-adjust ang lasa.
Pwede mo pang dagdagan ng kaunting toyo, asin, o kahit konting sugar para balanse ang alat.

Tip:
Kung gusto mo ng mas may sabaw, dagdagan ng tubig at lagyan ng kaunting sarsa gaya ng tomato sauce o oyster sauce.

Monggo na may gulay at Paboritong ChicharonMga Sangkap:1 tasa monggo (mung beans)5 tasang tubig (pwedeng dagdagan kung g...
14/07/2025

Monggo na may gulay at Paboritong Chicharon

Mga Sangkap:
1 tasa monggo (mung beans)
5 tasang tubig (pwedeng dagdagan kung gusto mo mas sabaw)
100g karne (baboy o baka, kahit kaunti lang)
1lkalabasa, diced
malunggay leaves
alugbati
chicharon, durugin nang kaunti
cloves bawang, tinadtad
1sibuyas, hiniwa
2 tbsp mantika (panggisa)
Patis o asin, panimpla
Paminta (optional)

Paraan ng Pagluluto
1. Pakuluan ang monggo:
Banlawan muna ang monggo. Ilagay sa kaserola kasama ang 5 tasang tubig. Pakuluan hanggang sa lumambot ang monggo (about 30–45 mins). Pwede rin pressure cooker (10–15 mins lang).

2. Gisahin ang karne:
Sa hiwalay na kawali, igisa ang bawang at sibuyas sa mantika. Idagdag ang karne. I-prito hanggang mag-brown at lumambot nang bahagya. Timplahan ng kaunting patis o asin.

3. Pagsamahin:
Kapag luto na ang monggo, isalin ang ginisang karne sa kaserola ng monggo. Idagdag ang kalabasa. Pakuluan ng mga 5-7 minuto o hanggang malambot.

4. Ihalo ang gulay:
Idagdag ang alugbati at malunggay. Haluin at lutuin ng mga 2-3 minuto lang. Huwag labis para hindi malanta.

5. Chicharon Time:
Patayin ang apoy, saka mo ihalo ang chicharon. Optional: magtabi ng konti para toppings.

6. Tikman at i-adjust ang lasa:
Lagyan ng dagdag asin, patis o paminta kung kailangan.

14/07/2025

This is it's Monggo na may gulay at Paboritong Chicharon❤️

Address

Davao City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Team Ramos-Atis posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share