12/02/2026
⚖️ The "M**F-Led" Mandate: Hindi Lang Ito Listahan, Ito ay Kasunduan.
Bilang dating Solicitor General ng ARMM who served two Regional Governors, I would like to share my perspective on the current discussions surrounding the word “M**F-Led” in the BTA.
Alam ko pong maraming opinyon ang lumalabas, at may ilang baka hindi sumang-ayon sa akin. I respect your views, and I only ask that you respect mine as well. Wala po akong personal na interes dito; this is purely a friendly, legal, and historical discussion of a lawyer.
Bilang dating Solicitor General ng ARMM, masusi kong pinag-aralan ang ating mga batas—hindi lang ang literal na letra ng salita, kundi ang kasaysayan at "dugo’t pawis" na nakapaloob dito. Gabay natin dito ang The "Unique Political Entity" Doctrine (mula sa 2024 Sulu Case).
Dito, opisyal na kinilala ng Supreme Court na ang BARMM ay hindi isang ordinaryong LGU lamang. It is a "unique political entity."
Ano ang ibig sabihin nito para sa atin? Ang BTA ay hindi parang isang standard government board kung saan ang Presidente ay pwedeng mamili ng kahit sinong kursunada niya. Instead, it is a Peace-Building Mechanism. Dahil ito ay mekanismo ng kapayapaan, ang "partner" (ang M**F) ay dapat may boses at tunay na representasyon. Hindi pwedeng ang gobyerno ang mag-dikta kung sino ang kakatawan sa kabilang panig; kailangang manggaling ito sa mismong organisasyon na ka-partner sa kasunduan.
“M**F-Led" means Organizational Control, hindi lang basta label.
Sa ilalim ng RA 11054 (BOL), malinaw ang utos: the BTA shall be led by the M**F. In the records of the negotiations, "M**F" is a singular political entity, hindi lang ito listahan ng mga random na pangalan.
The Principle of Autonomy & Self-Determination
Ang 1987 Constitution ay ginagarantiya ang regional autonomy.
- Ayon sa isang paniğ, Kapag binalewala ng National Government ang opisyal na nominees ng M**F, para na rin silang nakikialam sa internal affairs ng Bangsamoro.
- This erodes the very autonomy that the BOL was meant to protect. Ang partnership ay dapat may "parity of esteem"—pantay na paggalang sa isa’t isa bilang magkapareha sa kapayapaan.
Ang BOL ay "Legal Translation" ng CAB
Huwag nating kalimutan: ang BOL is not an ordinary law. Ito ay bunga ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB)—isang peace treaty. It is the “spirit of the agreement” that requires the government to treat the M**F as a singular entity represented by its central committee. The CAB is the “mother” peace agreement signed in 2014. The M**F argues that because CAB was a negotiation between two parties (the Government of the Philippines and the M**F as a Front) , the “M**F” in the agreement refers organization represented by it’s leadership—-the Central Committee.
- In the Annex on Transitional Modalities, sinabing "M**F-led" ang BTA.
- To "lead" an 80-member body, kailangan ng structural majority (at least 41 seats).
- Kung ang 41 seats na iyon ay pupunuin ng mga taong hindi endorsed ng Central Committee, hindi na ang M**F ang "namumuno"—ang Presidente na.
Ang "Mujahideen" Provision sa Civil Service Code
Huwag nating kalimutan na mayroon tayong Bangsamoro Civil Service Code. Sa batas na ito, may napakalinaw na requirement para sa mga miyembro ng M**F at MNLF (ang mga Mujahideen at Mujahidat) na gustong pumasok sa gobyerno:
The Certification Rule: Upang makakuha sila ng eligibility at kilalaning lehitimong miyembro, kailangan nila ng Certification na pirmado mismo ng Chairman ng kanilang Central Committee.
- The logic is simple: Kung sa trabaho sa gobyerno kailangan ng certification ng Chairman, lalo na siguro sa pag-upo sa BTA Parliament.
Alam ko po na ang aking legal na pananaw ay magdudulot ng ingay. Inaasahan ko na ang mga "trolls ni Pinocchio" 🤥 ay maglalabasan na naman para ako ay tawagin sa kung ano-anong pangalan.
Sa mga bumabatikos: RELAX LANG KAYO 😅 Hindi po ito personalan, ito ay usaping legal at prinsipyo.
Sa huli, hindi tayo ang magdedesisyon kundi ang Kagalang-galang na Kataas-taasang Hukuman (Supreme Court). Sila ang magbibigay ng huling tuldok sa usaping ito:
- If the Supreme Court rules for the Petitioners: Patutunayan nito na ang terminong "M**F-led" ay katumbas ng paggalang sa "Central Committee endorsement." Ibig sabihin, mapipilitan ang Presidente na bawiin ang mga appointment at kilalanin lamang ang mga pangalang galing mismo sa listahan ng M**F.
It will be a victory for autonomy and the peace process.
- If the Court rules for the Government: Ito naman ay pagpapatibay na ang "President’s Discretion" ang mangingibabaw. Lalabas na ang "M**F-led" ay isang titulong nakadepende lamang sa kung sino ang sa tingin ng Presidente ay M**F—kahit pa hindi sila kinikilala ng sarili nilang pamunuan.
Anuman ang maging hatol, ang mahalaga ay mailatag natin ang katotohanan. This is not just about a list of names; this is about the integrity of promise. Respeto para sa batas, respeto para sa kapayapaan.
Atty. Frances Cynthia J. Guiani
Former Solicitor General ARMM
(serving 2 Regional Governors)
**FLed