10/09/2025
OVP 2025 ACCOMPLISHMENT REPORT: MAG NEGOSYO TA ’DAY
Sa taong 2025, matagumpay na naabot ng Office of the Vice President (OVP) ang kabuuang 1,446 beneficiaries sa ilalim ng Mag Negosyo Ta ’Day (MTD) program — binubuo ng 30 grupo at 1,416 individual mula sa iba’t ibang panig ng bansa.
Ang MTD ay isa sa mga programa ng OVP na layuning tugunan ang kawalan ng trabaho at mas palakasin ang kabuhayan ng ating mga kababayan — kabilang ang kababaihan, senior citizens, LGBTQIA+ community, kabataan, at iba pang sektor.
Patuloy ang pagtutok ng OVP sa pagbibigay ng puhunan, suporta, at bagong pag-asa tungo sa mas maunlad na pamumuhay.