29/08/2025
โ๐ฏ๐๐๐๐๐๐๐๐๐|
๐ช๐ถ๐ธ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ผ, ๐ง๐ฎ๐ป๐ด๐น๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐๐ป๐๐ฎ๐ฏ๐น๐ฎ๐ฑ๐ผ: ๐๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ฏ๐ถ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ป๐ฑ๐๐น๐ฎ ๐ฎ๐ ๐๐ฎ๐ธ๐ฎ๐บ๐ฏ๐ถ๐ป๐ถ
โ
โIsang makulay at masayang gabi ang naganap sa Davao de Oro State College bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika ngayong taon na may temang โPaglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa.โ Matapos ang mga aktibidad sa umaga at hapon, binuksan naman ng kolehiyo ang entablado para sa gabi ng kariktan at talento sa pamamagitan ng patimpalak ng kagandahan na Lakandula at Lakambini 2025.
โ
โSa gabing puno ng saya at sigla, ipinakita ng mga kalahok hindi lamang ang kanilang ganda at talino, kundi higit sa lahat ang kanilang pagmamahal sa kultura at sa wikang Filipino. Bawat bahagi ng patimpalak, mula sa pagpapakilala, kasuotan, hanggang sa pagtatanong at pagsagot ay nagbigay-diin sa kahalagahan ng ating pambansang wika at katutubong yaman. Naging tampok ang malikhaing paraan ng mga kandidato sa pagpapahayag ng kanilang mga saloobin, na nagsilbing paalala na sa kahit anong larangan, kabilang na ang pageant, maaari nating isulong at ipreserba ang ating pagkakakilanlan bilang Pilipino.
โ
โTunay na naging isang makabuluhang selebrasyon ang gabi ng Lakandula at Lakambini 2025. Higit pa sa tagisan ng ganda, kisig, at husay, naging daluyan ito ng pagpapalaganap ng pambansang wika at pagkakaisa ng bawat isa. Sa pagtatapos ng gabi, dala ng lahat ang inspirasyon na patuloy na gamitin, pahalagahan, at ipagmalaki ang Filipino at mga katutubong wika, mga haligi ng ating pagkabansa at pagkakaisa.
โ๏ธJacky Nitz
๐ทJamen & JayBee