04/04/2024
Sa sobrang init ,tapos di naman inaasahang biglang umulan ng kaunti lang
UPDATE: Pertussis, naitala sa 12 bayan at lungsod sa Laguna
Aabot na sa 12 na mga bayan at lungsod sa lalawigan ng Laguna ang nakapagtala ng mga hinihinalang kaso ng pertussis o whooping cough.
Batay sa datos na inilabas ng Laguna Provincial Health Office, umabot na sa 48 ang kabuuang kaso sa lalawigan mula Enero 1 hanggang Marso 30, 2024, kung saan 17 ang mga kumpirmadong kaso habang 31 ang suspected cases.
Pinakamarami ang naitalang kaso sa Santa Rosa City kung saan nagdeklara na ng pertussis outbreak ang lokal na pamahalaan.
Sinundan ito ng mga lungsod ng Calamba at San Pedro, na nakapagtala na ng dalawang confirmed cases.
Samantala, nakapagtala naman ng suspected cases ang mga lungsod ng BiΓ±an, San Pablo at Cabuyao at mga bayan ng Alaminos, Los BaΓ±os, Paete, Rizal at Santa Cruz.
(Ulat mula sa PIA Laguna/OpinYon News Team)