Balitang Tabloid News

Balitang Tabloid News Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Balitang Tabloid News, Media/News Company, Pat Senador Street, Del Monte.

Goitia: “Kasinungalingang Konstitusyonal ang Pagsisi kay President Marcos”Mariing binatikos ni Chairman Emeritus Dr. Jos...
28/09/2025

Goitia: “Kasinungalingang Konstitusyonal ang Pagsisi kay President Marcos”

Mariing binatikos ni Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia ang mga paratang ni Arnedo S. Valera, na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang dapat sisihin sa kontrobersiya sa budget. Para kay Goitia, ito ay “hindi lang panlilinlang kundi hayagang kasinungalingan laban sa ating Konstitusyon.”

Ang Kongreso ang tunay na may gawa.

“Malinaw ang sinasabi ng Konstitusyon,” diin ni Goitia. “Nasa House of Representatives nagsisimula at tinatapos ang lahat ng appropriation bills. Ang Kongreso ang gumagawa, nagdedebate, at pumapasa ng budget — kasama ang lahat ng insertions. Kung may anomalya, sila ang dapat unang managot. Ang pagsisi lahat sa Pangulo ay hindi lang mali, kundi insulto sa prinsipyo ng separation of powers.”

Ang veto ay panangga, hindi armas.

Sa isyu ng veto, matapang ang sagot ni Goitia:
“Ang veto ay panangga laban sa mali, hindi espada para patayin ang buong budget. Hindi pwedeng gawing super-legislator ang Pangulo. Kung basta na lang iveto ang bilyun-bilyong proyekto nang walang sapat na basehan, magiging abuso iyon at paralisado ang mga komunidad. Ang tunay na lider ay maingat at matalino, hindi pabigla-bigla.”

Impeachment at pagbibitiw: maling gamit ng Konstitusyon.

Mariin ding tinutulan ni Goitia ang mga panawagang impeachment.
“Ang impeachment ay para lang sa matinding pag-abuso, pagtataksil sa bayan, o tahasang paglabag sa Konstitusyon. Ang pagpirma sa budget na dumaan sa tamang proseso ay hindi pasok dito. Kung gagamitin ang lohika ng mga kritiko, lahat ng Pangulo mula 1987 dapat nang na-impeach. Iyan ay hindi batas, iyan ay ilusyon ng mga pulitiko.”

Tungkol naman sa pagbibitiw, binigyang-diin ni Goitia: “Hindi remedyo ng Konstitusyon ang pagbibitiw. Ito’y personal na desisyon, hindi pwedeng ipilit ng mga maiingay na kritiko. Ang tanging legal na paraan ay impeachment o halalan. Lahat ng lampas dito ay kaguluhan at pagyurak sa demokrasya.”

Independent Commission: hindi panakip, kundi hustisya.

Depensa pa ni Goitia sa pagbubuo ng komisyon:
“May malinaw na kapangyarihan ang Pangulo sa ilalim ng Administrative Code na bumuo ng fact-finding bodies. Ang layunin nito ay imbestigahan at maglatag ng ebidensyang tatayo sa korte. Ang sabihing ‘iniimbestigahan ang sarili’ ay murang propaganda. Ang tunay na transparency ay nasa proseso, ebidensya, at istruktura — hindi sa mababaw na sigaw.”

Pananagutan ng lahat, hindi ng iisa.

Sa huli, pinuna ni Goitia ang kasinungalingan ng mga kritiko:
“Ang budget ay gawa ng buong Konstitusyonal na proseso. Kongreso ang utak, Ehekutibo ang tagasuri, Hudikatura ang bantay. Ang sisihin lang ang Pangulo habang pinapalusot ang Kongreso ay nakalihis sa katotohanan. Si Pangulong Marcos ay nagpakita ng kahinahunan at katatagan. Ang tunay na banta ay nasa mga gumagamit ng kasinungalingan at panlilinlang para pahinain ang Republika.”

Si Dr. Jose Antonio Goitia ay kinikilala bilang Chairman Emeritus ng apat na makabayan at sibikong organisasyon: ang Alyansa ng Bantay sa Kapayapaan at Demokrasya (ABKD), People’s Alliance for Democracy and Reforms (PADER), Liga Independencia Pilipinas (LIPI), at Filipinos Do Not Yield (FDNY) Movement.
(MARISA SON)

𝐀𝐬𝐞𝐜 𝐌𝐞𝐧𝐝𝐨𝐳𝐚 𝐨𝐫𝐝𝐞𝐫𝐬 𝐑𝐃𝐬 𝐭𝐨 𝐜𝐨𝐧𝐝𝐮𝐜𝐭 𝐝𝐚𝐦𝐚𝐠𝐞 𝐚𝐬𝐬𝐞𝐬𝐬𝐦𝐞𝐧𝐭, 𝐜𝐡𝐞𝐜𝐤 𝐬𝐭𝐚𝐭𝐮𝐬 𝐨𝐟 𝐋𝐓𝐎 𝐩𝐞𝐫𝐬𝐨𝐧𝐧𝐞𝐥 𝐢𝐧 ‘𝐎𝐩𝐨𝐧𝐠’ 𝐚𝐟𝐟𝐞𝐜𝐭𝐞𝐝 𝐚𝐫𝐞𝐚𝐬 The Land T...
27/09/2025

𝐀𝐬𝐞𝐜 𝐌𝐞𝐧𝐝𝐨𝐳𝐚 𝐨𝐫𝐝𝐞𝐫𝐬 𝐑𝐃𝐬 𝐭𝐨 𝐜𝐨𝐧𝐝𝐮𝐜𝐭 𝐝𝐚𝐦𝐚𝐠𝐞 𝐚𝐬𝐬𝐞𝐬𝐬𝐦𝐞𝐧𝐭, 𝐜𝐡𝐞𝐜𝐤 𝐬𝐭𝐚𝐭𝐮𝐬 𝐨𝐟 𝐋𝐓𝐎 𝐩𝐞𝐫𝐬𝐨𝐧𝐧𝐞𝐥 𝐢𝐧 ‘𝐎𝐩𝐨𝐧𝐠’ 𝐚𝐟𝐟𝐞𝐜𝐭𝐞𝐝 𝐚𝐫𝐞𝐚𝐬

The Land Transportation Office (LTO), under the guidance of Acting Department of Transportation (DOTr) Secretary Giovanni Z. Lopez, has ordered all its Regional Directors to submit a damage assessment report to determine the extent of the impact of typhoon “Opong” to the operational capability of the agency especially in the affected areas.

At the same time, LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II tasked the RDs to check the status of all LTO personnel and their family and include them in the report for assistance purposes.

“Matindi ang epekto ng bagyong Opong lalong lalo na sa Bicol, Visayas at ilang bahagi ng southern Luzon. Gusto nating malaman yung extent ng damage sa ating mga opisina sa mga apektadong lugar upang makagawa tayo ng mabilis na aksyon upang magpatuloy ang serbisyo natin sa ating mga kababayan,” said Asec Mendoza.

Asec Mendoza has committed to immediately act in ensuring that all LTO offices in the provinces will be operational in the soonest possible time.

More than 380,000 individuals were evacuated as a result of the devastation brought by Opong.

The province of Masbate is considered as the worst hit while some areas in Region 8, Region 4-A and Region 4-B were also severely affected.

Asec Mendoza said he always wants to check on the condition of all LTO personnel in Masbate and other affected areas.

“We in the LTO are family. Tayo tayo ang dapat unang magkaisa at tumugon sa lahat ng ating kasamahan sa LTO na naapektuhan ng bagyong ito” said Asec Mendoza.

He said assistance will immediately be extended to the affected LTO personnel. #

https://www.facebook.com/share/p/1HxT1ZAY5g/

𝐀𝐬𝐞𝐜 𝐌𝐞𝐧𝐝𝐨𝐳𝐚 𝐟𝐢𝐫𝐞𝐬 𝟔𝟖 𝐞𝐧𝐟𝐨𝐫𝐜𝐞𝐫𝐬 𝐚𝐬 𝐋𝐓𝐎 𝐬𝐭𝐞𝐩𝐬 𝐮𝐩 𝐝𝐫𝐢𝐯𝐞 𝐯𝐬 𝐜𝐨𝐫𝐫𝐮𝐩𝐭𝐢𝐨𝐧 Pursuant to the goal of institutionalizing transpare...
27/09/2025

𝐀𝐬𝐞𝐜 𝐌𝐞𝐧𝐝𝐨𝐳𝐚 𝐟𝐢𝐫𝐞𝐬 𝟔𝟖 𝐞𝐧𝐟𝐨𝐫𝐜𝐞𝐫𝐬 𝐚𝐬 𝐋𝐓𝐎 𝐬𝐭𝐞𝐩𝐬 𝐮𝐩 𝐝𝐫𝐢𝐯𝐞 𝐯𝐬 𝐜𝐨𝐫𝐫𝐮𝐩𝐭𝐢𝐨𝐧

Pursuant to the goal of institutionalizing transparency and integrity in government service, the Land Transportation Office (LTO), under the guidance of Acting Department of Transportation (DOTr) Secretary Giovanni Z. Lopez, has terminated the contract of 68 of its enforcers assigned at the agency’s Central Office in Quezon City.

LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II said the move was based on the performance evaluation over complaints and reports of wrongdoings from motorists and netizens in line with the instruction of President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. to ensure accountability and integrity in government service.

“This is also as part of our efforts to w**d out corruption and to professionalize LTO's enforcement team,” said Asec Mendoza.

Earlier, Asec Mendoza ordered the consolidation of all the performance evaluation and complaints and concerns that the agency received from social media and other platforms in relation to the allegations of wrongdoings, especially bribery and extortion.

The reports came from netizens, motorists and mystery agents deployed by Asec Mendoza to test the integrity of the agency’s enforcers with the assistance of stakeholders in the transport sector.

“Enough is enough. I will not allow any abuses and wrongdoings to compromise our positive gains from the hard work and sacrifices of our LTO family,” said Asec Mendoza.

The achievements include the wiping out of the 11-year old backlog involving millions of license plates and the launching of online platforms on driver’s license renewal here and abroad, as well as online service for delivery of license plates and driver’s license.

Asec Mendoza said he will personally be involved in the hiring process of new personnel of the LTO Law Enforcement Service to ensure that only the qualified and those who value integrity and hard work will be given the opportunity to work in the agency.

“Only those who would successfully pass the interview and are found suitable and qualified shall be considered,” said Asec Mendoza.

“This is part of our continuing effort to gain the trust and confidence of the people we serve. We are on the right path and I will make sure, with the help of the men and women of the LTO family, that we shall prevail,” he added.

Aside from improving the services and addressing all the almost impossible-to-solve issues in the agency, Asec Mendoza has been pursuing job security in the LTO in the past two years which has so far benefited a number of job order employees. #

Makati City | Isang Southeast Asian Box Turtle (Cuora amboinensis), na kabilang sa mga itinuturing na endangered species...
26/09/2025

Makati City | Isang Southeast Asian Box Turtle (Cuora amboinensis), na kabilang sa mga itinuturing na endangered species, ang matagumpay na nasagip sa gilid ng isang estero sa Barangay Bel-Air, Makati City. Pinangunahan ng Enforcement Unit ng DENR Metropolitan Environmental Office (MEO)-West ang agarang operasyon ng pagsagip.

Ayon sa residenteng si Marie Baril, napansin niya ang pagong sa tabi ng estero at agad na nakipag-ugnayan sa DENR upang humingi ng tulong. Agad namang rumesponde si Environmental Protection Officer II Richard Lopez ng MEO-West, na siyang nagsagawa ng aktwal na pagsagip sa nasabing hayop. Matapos ito, dinala ang buhay-ilang sa Biodiversity Management Bureau (BMB) para sa masusing pagsusuri at karampatang pangangalaga.

Sa paunang pagsusuri, napansin ni Lopez ang ilang butas sa lower right shell ng pagong—indikasyong ito ay maaaring dating inalagaan nang ilegal at posibleng itinali bago ito makatakas o makawala.

Ang Southeast Asian Box Turtle ay kilala sa kakayahan nitong maisara ang buong katawan gamit ang hinged plastron o lower shell, isang likas na proteksyon laban sa mga predator. Karaniwang matatagpuan ang species na ito sa mga ilog, lawa, estero, at iba pang uri ng wetlands. Subalit, patuloy itong nahaharap sa panganib ng pagkaubos bunsod ng labis na panghuhuli, ilegal na kalakalan, at pagkasira ng tirahan.

Alinsunod sa Republic Act No. 9147 o ang Wildlife Resources Conservation and Protection Act of 2001, mahigpit na ipinagbabawal ang panghuhuli, pagpatay, pagbebenta, at pag-aalaga ng mga wildlife species nang walang kaukulang permiso mula sa kinauukulang ahensya ng pamahalaan.

Patuloy na nananawagan ang DENR-NCR sa publiko na makiisa sa pangangalaga at konserbasyon ng ating likas-yaman. Hinihikayat ang lahat na agad iulat sa mga kinauukulan ang anumang insidente ng wildlife sightings, trafficking, o pang-aabuso upang matiyak ang kaligtasan ng mga buhay-ilang at ang kanilang kalikasan.

Goitia: Pamumuno ni Presidente Marcos,  Hindi Matitinag sa PaniniraMariing kinondena ni Chairman Emeritus Dr. Jose Anton...
26/09/2025

Goitia: Pamumuno ni Presidente Marcos, Hindi Matitinag sa Paninira

Mariing kinondena ni Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia ang isang foreign social media post na lantarang lumait kay Presidente Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na may “low IQ.” Para kay Goitia, malinaw na ito’y desperadong pagtatangka na siraan ang isang lider na matatag na nakatindig para ipaglaban ang sambayanang Pilipino.
“Diretsuhin na natin, malinaw na propaganda ito,” ani Goitia. " Wala silang alam sa ating tunay na kasaysayan, sa a ating totoong mga pakikibaka, at ang ating mga pangarap. Pero ang lakas ng loob nilang insultuhin ang ating Pangulo at pati na rin ang sambayanang Pilipino. Hindi na ito katanggap--tanggap.”

Pamumunong nakaugat sa Soberanya

Itinuro ni Goitia ang pagkukunwari ng ilang dayuhang kritiko na kunwari’y nagmamalasakit sa katarungan, subalit wng totoo ay bulag naman sa sariling pagsalungat. “Ipinagtanggol ni Presidente Marcos ang West Philippine Sea (WPS) nang hindi tayo idinadawit sa mga padalus-dalos na digmaan. Pinalakas niya ang ating mga alyansa nang hindi isinusuko ang ating soberanya. Iyan ang tunay na pamumuno — mahinahon, kalkulado, at laging inuuna ang kapakanan ng bayan.”

Ingay ng Ekonomiya vs. Tunay na Reporma

Mariing itinanggi ni Goitia ang paratang na palpak ang Pangulo sa ekonomiya: “Puro negatibo ang ibinabato tng mga kritiko at isinasantabi ang mga ebidensya ng konkretong tagumpay. Patuloy na dumadami ang foreign investments, muling umaangat ang turismo, at naitatag ang pundasyong kailangan para sa matibay na kinabukasan. Hindi kaagad ang progreso — pero malinaw ang direksyon at si Presidente Marcos ang nagtutulak nito.”

Ang Malisyosong Bansag na “Low IQ”

Hindi pinalampas ni Goitia ang pambabastos sa talino ni Marcos. “Ang sukatan ng talino ay hindi nakasalalay sa mga banyagang nagtatago sa likod ng kanilang mga screen. Ito’y nakikita sa mga nagiging bunga — at sa pamumuno ni Marcos, muling naibalik ang respeto ng mundo sa Pilipinas at mas pinalakas ang ating tinig sa mga usaping pandaigdig. Iyan ang tatak ng isang marunong at matatag na pinuno.”

Pagtindig Kasama ang Pangulo

Para kay Goitia, ang mga ganitong atake ay patunay lamang na tinatamaan ang mga dayuhan sa ginagawa ng Pangulo. “Ang kinatatakutan nila ay isang Pilipinas na may dangal at paninindigan. Ang kinatatakutan nila ay isang Pangulong hindi basta-basta susunod sa dikta nila. Kaya siya ang pinupuntirya.”
Tinapos ni Goitia ang kaniyang saloobin ng isang panawagan ng pagkakaisa: “Alam ng sambayanang Pilipino kung sino ang tunay na lumalaban para sa kanila. At walang anumang paninira mula sa labas ang makakapagbura sa katotohanang si Presidente Marcos ay tapat na naglilingkod para sa kinabukasan ng ating bayan.”
Si Dr. Jose Antonio Goitia ay kinikilala bilang Chairman Emeritus ng apat na makabayan at sibikong organisasyon: ang Alyansa ng Bantay sa Kapayapaan at Demokrasya (ABKD), People’s Alliance for Democracy and Reforms (PADER), Liga Independencia Pilipinas (LIPI), at Filipinos Do Not Yield (FDNY) Movement. (MARISA SON)

𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍: Inilikas ng mga Philippine Coast Guard (PCG) rescuers ang isang pamilya kasunod ng pagbaha sa kasagsagan ng Bag...
26/09/2025

𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍: Inilikas ng mga Philippine Coast Guard (PCG) rescuers ang isang pamilya kasunod ng pagbaha sa kasagsagan ng Bagyong sa Barangay Libertad, Ormoc City, bandang 5:25AM ngayong Biyernes, ika-26 ng Setyembre 2025.

Inihatid sila sa San Isidro Elementary School na nagsisilbi bilang evacuation center.

🇵🇭

26/09/2025

𝐌𝐀𝐑𝐈𝐓𝐈𝐌𝐄 𝐒𝐀𝐅𝐄𝐓𝐘 𝐀𝐃𝐕𝐈𝐒𝐎𝐑𝐘: From 12MN to 4AM today, September 26, 2025, the Philippine Coast Guard (PCG) monitored the following:

𝐑𝐄𝐆𝐈𝐎𝐍: Southern Tagalog
𝐏𝐎𝐑𝐓𝐒 𝐂𝐎𝐕𝐄𝐑𝐄𝐃:
- Port of Real
- Dalahican Port
- Port of Lucena
- Port of Mauban
- Port of Atimonan
- Port of Alaba
- Port of Salome
- Port of Alabat
- Port of San Andres
- Tilik Por
- Balatero Port
- Palangan Port
- Poblacion Port
- Sabang Por
- Bulalacao Port
- Roxas Port
- Tiguihan Port
- Romblon Port
- Pola
- Poctoy Port
- San Agustin Port
- Ambulong Port
- Looc Port
- Batangas Port
- Anilao Port
- Tingloy Port
- Bauan Port
- Lemery Port
- Balayan Port
- Balanacan Port
- Buyabod Port
𝐒𝐓𝐑𝐀𝐍𝐃𝐄𝐃:
- 1,195 pax / drivers / helpers
- 257 rolling cargoes
- 17 vessels
- 30 motorbancas
𝐓𝐀𝐊𝐈𝐍𝐆 𝐒𝐇𝐄𝐋𝐓𝐄𝐑:
- 159 vessels
- 35 motorbancas

𝐑𝐄𝐆𝐈𝐎𝐍: Northeastern Luzon
𝐏𝐎𝐑𝐓𝐒 𝐂𝐎𝐕𝐄𝐑𝐄𝐃:
- PPA- Casiguran
- San Vicente Port
- Mahatao Shelter Port

𝐓𝐀𝐊𝐈𝐍𝐆 𝐒𝐇𝐄𝐋𝐓𝐄𝐑:
- 2 vessels
- 7 motorbancas

𝐑𝐄𝐆𝐈𝐎𝐍: North Western Luzon
𝐏𝐎𝐑𝐓𝐒 𝐂𝐎𝐕𝐄𝐑𝐄𝐃:
- Vicinity of Sual
- Magsaysay Port
-Labrador Port
𝐓𝐀𝐊𝐈𝐍𝐆 𝐒𝐇𝐄𝐋𝐓𝐄𝐑:
- 9 vessels

𝐑𝐄𝐆𝐈𝐎𝐍: Eastern Visayas
𝐏𝐎𝐑𝐓𝐒 𝐂𝐎𝐕𝐄𝐑𝐄𝐃:
- Santa Clara Dapdap Port
- Isidro Port
- Port of Palapag
- Sabang South Fish Port
- Dolores Fish Port
- Port of Cabucgayan
- Ormoc Port
- Isabel Roro Port
- Palompon Port
- Bato Port
- Port of Tacloban
- Carigara Port
- Calubian Port
- Port of Maasin
- Port of San Juan
- Port of Benit
- Port of Lilion
- Magallanes/Triana Port
- Port of Padre Burgos
- Catbalogan Port
- Amandayehan Port
- San Antonio Port
- Daram Wharf
𝐒𝐓𝐑𝐀𝐍𝐃𝐄𝐃:
- 715 pax / drivers / helpers
- 515 rolling cargoes
- 6 vessels
- 7 motorbancas
𝐓𝐀𝐊𝐈𝐍𝐆 𝐒𝐇𝐄𝐋𝐓𝐄𝐑:
- 38 vessels
- 27 motorbancas

𝐑𝐄𝐆𝐈𝐎𝐍: Bicol
𝐏𝐎𝐑𝐓𝐒 𝐂𝐎𝐕𝐄𝐑𝐄𝐃:
- Tabaco Port
- Pioduran Port
- Rapu-rapu Port
- Bacacay Port
- Legazpi Port
- Virac Port
- San Andress Port
- Mintac Port
- Aroroy Port
- San Pascual Port
- Claveria Port
- Cawayan Port
- San Jacinto Port
- Matnog Port
- Pilar Port
- Castilla Port
𝐒𝐓𝐑𝐀𝐍𝐃𝐄𝐃:
- 2,493 pax / drivers / helpers
- 1,065 rolling cargoes
- 6 vessels
𝐓𝐀𝐊𝐈𝐍𝐆 𝐒𝐇𝐄𝐋𝐓𝐄𝐑:
- 67 vessels
- 40 motorbanca

𝐑𝐄𝐆𝐈𝐎𝐍: Northeastern Mindanao
𝐏𝐎𝐑𝐓𝐒 𝐂𝐎𝐕𝐄𝐑𝐄𝐃:
- Lipata Port
- PPA Base Port of Surigao
- Port of Claver
- Port of Placer
- Port of Bislig
- Port of San Jose
- Loreto Port
- Libjo Port
- Magsaysay Port
- Campaguyok Port
- Valencia Port
- Port of Dapa
- Port of Del Carmen
- Pamosaingan Port
𝐒𝐓𝐑𝐀𝐍𝐃𝐄𝐃:
- 263 pax / drivers / helpers
- 401 rolling cargoes
- 14 vessels
- 9 motorbancas
𝐓𝐀𝐊𝐈𝐍𝐆 𝐒𝐇𝐄𝐋𝐓𝐄𝐑:
- 27 vessels
- 9 motorbancas

𝐑𝐄𝐆𝐈𝐎𝐍: Central Visayas
- Port of Tabuena
- Port of Bogo
- Port of Bantayan
- Port of Malapascua
- Port of Hagnaya
- Port of Carmen
- Toledo City Port
- Port of Talisay
- Port of Aduana
- Port of Tinago
- Port of Naga
- Port of San Fernando
- Labogon, Mandaue
- Danao Port
- Dunggoan Port
- Tagbilaran Port
- Loon Port
- Getafe Port
- PMSC Port, Garcia Hernandez, Bohol
- Pitogo Port
- Talibon Port
- Ubay Port
- Consuelo Port

𝐒𝐓𝐑𝐀𝐍𝐃𝐄𝐃:
- 692 pax / drivers / helpers
- 341 rolling cargoes
- 60 vessels
- 7 motorbancas
𝐓𝐀𝐊𝐈𝐍𝐆 𝐒𝐇𝐄𝐋𝐓𝐄𝐑:
- 27 vessels
- 9 motorbancas

𝐑𝐄𝐆𝐈𝐎𝐍: Southern Visayas
- Barcelona Port/Danao Port
- San Carlos Port
- Bredco Port

𝐒𝐓𝐑𝐀𝐍𝐃𝐄𝐃:
- 162 pax / drivers / helpers
- 122 rolling cargoes
- 11 vessels
𝐓𝐀𝐊𝐈𝐍𝐆 𝐒𝐇𝐄𝐋𝐓𝐄𝐑:
- 4 vessels

The PCG monitored 118 ports affected with 5,520 passengers / truck drivers / cargo helpers, 2,701 rolling cargoes, 114 vessels, and 53 motorbancas were STRANDED, while 419 vessels and 118 motorbancas TAKING SHELTER due to Typhoon .



25/09/2025

Recognition of 2024 Top-Performing Agencies in the GAD Budget

• PNA photo by Ben Briones

The Philippine Commission on Women recognizes government agencies that have demonstrated excellence in GAD budget allocation and utilization for FY 2024, highlighting innovative initiatives and best practices that advance gender equality and women’s empowerment.
This recognition underscores the government’s commitment to accountability, transparency, and the effective mainstreaming of gender-responsive programs. The event also provides a platform to share insights, foster collaboration, and inspire agencies to scale up impactful GAD initiatives for sustainable and inclusive development.
•••
DISCLAIMER: No copyright infringement intended. I do not own the audio/music in this photo-video. They belong to their rightful owners

25/09/2025

Pampamilyang Bonding. . .
MOONCAKE FESTIVAL SA BANAWE, Q.C.!

Sa press conference ngayong Huwebes, Setyembre 25, 2025, ibinahagi ng lokal na pamahalaan ang iba-ibang programa at pampamilyang kasiyahan sa gaganaping Mooncake Festival (Mid Autumn Festival) sa Z Mall sa Linggo,.Setyembre 28, 2025.
May cultural performances, Giant Mooncake Display, Record Breaking Traditional Dice Game, Lantern Show, Evening Act, at mga instagrammable na gallery. Tampok din ang special perfomances nina Richard Yap at Mccoy de Leon.
Ito ang unang pagkakataon na isasagawa ng lokal na pamahalaan ang pagdiriwang na pangalawa sa pinakamahalagang selebrasyon para sa mga Filipino-Chinese.
Ayon kay Mayor Joy Belmonte, ang selebrasyon ng Mooncake Festival ay isa rin sa mga inisyatibo ng lungsod para maitaguyod ang Quezon City Chinatown sa Banawe bilang isa sa mga tourism district.
Kasama ni Mayor Joy sa press conference sina QC Association of Filipino-Chinese Businessmen Inc. President Rorvik Cheng, mga kinatawan ng QC Chinatown Development Foundation Inc., at mga opisyal at department head ng lokal na pamahalaan.
Kaya QCitizens, isama ang buong pamilya at makisaya sa Mooncake Festival sa Linggo.

𝐋𝐓𝐎 𝐫𝐞𝐬𝐩𝐨𝐧𝐝𝐬 𝐭𝐨 𝐍𝐃𝐑𝐑𝐌𝐂 𝐫𝐞𝐪𝐮𝐞𝐬𝐭, 𝐢𝐬𝐬𝐮𝐞𝐬 𝐭𝐫𝐚𝐯𝐞𝐥 𝐚𝐝𝐯𝐢𝐬𝐨𝐫𝐲 𝐭𝐨 𝐦𝐨𝐭𝐨𝐫𝐢𝐬𝐭𝐬 𝐡𝐞𝐚𝐝𝐢𝐧𝐠 𝐭𝐨 𝐁𝐢𝐜𝐨𝐥, 𝐕𝐢𝐬𝐚𝐲𝐚𝐬, 𝐌𝐢𝐧𝐝𝐚𝐧𝐚𝐨 𝐚𝐦𝐢𝐝 ‘𝐎𝐩𝐨𝐧𝐠’ 𝐭𝐡𝐫...
24/09/2025

𝐋𝐓𝐎 𝐫𝐞𝐬𝐩𝐨𝐧𝐝𝐬 𝐭𝐨 𝐍𝐃𝐑𝐑𝐌𝐂 𝐫𝐞𝐪𝐮𝐞𝐬𝐭, 𝐢𝐬𝐬𝐮𝐞𝐬 𝐭𝐫𝐚𝐯𝐞𝐥 𝐚𝐝𝐯𝐢𝐬𝐨𝐫𝐲 𝐭𝐨 𝐦𝐨𝐭𝐨𝐫𝐢𝐬𝐭𝐬 𝐡𝐞𝐚𝐝𝐢𝐧𝐠 𝐭𝐨 𝐁𝐢𝐜𝐨𝐥, 𝐕𝐢𝐬𝐚𝐲𝐚𝐬, 𝐌𝐢𝐧𝐝𝐚𝐧𝐚𝐨 𝐚𝐦𝐢𝐝 ‘𝐎𝐩𝐨𝐧𝐠’ 𝐭𝐡𝐫𝐞𝐚𝐭

In response to the urgent request of the National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), the Land Transportation Office (LTO), under the guidance of Acting Department of Transportation (DOTr) Secretary Giovanni Z. Lopez, immediately issued a travel advisory urging all motorists to suspend non-essential land travel of vehicles to Bicol region, Visayas and Mindanao.

LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II said the immediate LTO response is in line with the instruction of President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. for a whole-of-government approach for public safety especially in times of threats of calamities.

Asec Mendoza said the travel advisory is also in relation to the forecast of the Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) that Bicol Region is along the path of tropical cyclone “Opong”.

Based on the request of the NDRRMC, it said the travel advisory should cover travels to the provinces of Masbate and Catanduanes, the Visayas Region and Mindanao.

The travel advisory was immediately put in effect, starting 12 a.m. of September 24.

“This is to prevent clogging of essential roads and thoroughfares that will be crucial in the immediate delivery of relief to the areas likely to be affected by the tropical cyclone, as well as to ensure the safety and well-being of motorists,” the NDRRMC request read.

“This is also aimed at ensuring the safety of our kababayan. Mahirap na malagay pa sila sa alanganin,” said Asec Mendoza for his part.

He said LTO offices in the areas covered by the travel advisory were tasked to closely monitor the situation and provide updates as necessary.

Asec Mendoza also urged motorists and passengers to prioritize safety and stay informed through official weather reports and government advisories.

“The advisory shall be implemented until the lifting of the Tropical Cyclone Wind Signal, as determined by PAGASA,” the travel advisory read.

𝐃𝐀𝐑 𝐁𝐫𝐢𝐧𝐠𝐬 𝐀𝐠𝐫𝐚𝐫𝐢𝐚𝐧 𝐉𝐮𝐬𝐭𝐢𝐜𝐞 𝐨𝐧 𝐖𝐡𝐞𝐞𝐥𝐬 𝐭𝐨 𝐙𝐚𝐦𝐛𝐨𝐚𝐧𝐠𝐚 𝐝𝐞𝐥 𝐍𝐨𝐫𝐭e ARBsDIPOLOG CITY, Zamboanga del Norte — Farmers and agraria...
24/09/2025

𝐃𝐀𝐑 𝐁𝐫𝐢𝐧𝐠𝐬 𝐀𝐠𝐫𝐚𝐫𝐢𝐚𝐧 𝐉𝐮𝐬𝐭𝐢𝐜𝐞 𝐨𝐧 𝐖𝐡𝐞𝐞𝐥𝐬 𝐭𝐨 𝐙𝐚𝐦𝐛𝐨𝐚𝐧𝐠𝐚 𝐝𝐞𝐥 𝐍𝐨𝐫𝐭e ARBs
DIPOLOG CITY, Zamboanga del Norte — Farmers and agrarian reform beneficiaries (ARBs) in Zamboanga del Norte gained direct access to speedy, affordable, and accessible legal remedies as the Department of Agrarian Reform (DAR) rolled out its flagship Agrarian Justice on Wheels (ARJOW) program at the ZN Convention and Sports Center.
Through ARJOW, the DAR Adjudication Board (DARAB) brings mobile legal services and on-site hearings directly to farming communities.
This innovation benefits ARBs by:
· Resolving land-related disputes quickly and on-site, saving farmers from the time and cost of traveling to distant courts;
· Providing consultations on tenancy, land tenure, and other agrarian reform concerns;
· Speeding up the re-issuance of Collective Certificates of Land Ownership Award (CLOAs) and other legal remedies that secure farmers’ land rights.
“𝘛𝘩𝘳𝘰𝘶𝘨𝘩 𝘈𝘨𝘳𝘢𝘳𝘪𝘢𝘯 𝘑𝘶𝘴𝘵𝘪𝘤𝘦 𝘰𝘯 𝘞𝘩𝘦𝘦𝘭𝘴, 𝘸𝘦 𝘢𝘳𝘦 𝘣𝘳𝘪𝘯𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘵𝘩𝘦 𝘤𝘰𝘶𝘳𝘵𝘴 closer 𝘵𝘰 𝘵𝘩𝘦 𝘧𝘢𝘳𝘮𝘦𝘳𝘴. 𝘛𝘩𝘪𝘴 𝘦𝘯𝘴𝘶𝘳𝘦𝘴 𝘵𝘩𝘢𝘵 𝘥𝘪𝘴𝘱𝘶𝘵𝘦𝘴 𝘢𝘳𝘦 𝘳𝘦𝘴𝘰𝘭𝘷𝘦𝘥 𝘯𝘰𝘵 𝘰𝘯𝘭𝘺 𝘸𝘪𝘵𝘩 𝘴𝘱𝘦𝘦𝘥, 𝘣𝘶𝘵 𝘢𝘭𝘴𝘰 𝘸𝘪𝘵𝘩 𝘤𝘰𝘮𝘱𝘢𝘴𝘴𝘪𝘰𝘯 𝘧𝘰𝘳 𝘰𝘶𝘳 𝘈𝘙𝘉𝘴 𝘸𝘩𝘰 𝘰𝘧𝘵𝘦𝘯 𝘭𝘢𝘤𝘬 𝘵𝘩𝘦 𝘮𝘦𝘢𝘯𝘴 𝘵𝘰 𝘱𝘶𝘳𝘴𝘶𝘦 𝘤𝘢𝘴𝘦𝘴 𝘪𝘯 𝘥𝘪𝘴𝘵𝘢𝘯𝘵 𝘤𝘰𝘶𝘳𝘵𝘴,” said DAR Assistant Secretary Rolando Cua, stressing the government’s goal of inclusive and accessible justice.
DAR Regional Director Atty. Ramon Madroñal, Jr. added: “𝘛𝘩𝘪𝘴 𝘪𝘯𝘪𝘵𝘪𝘢𝘵𝘪𝘷𝘦 𝘴𝘩𝘰𝘸𝘴 𝘰𝘶𝘳 𝘳𝘦𝘴𝘰𝘭𝘷𝘦 𝘵𝘰 𝘥𝘦𝘭𝘪𝘷𝘦𝘳 𝘯𝘰𝘵 𝘫𝘶𝘴𝘵 𝘭𝘢𝘯𝘥, 𝘣𝘶𝘵 also 𝘭𝘢𝘴𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘱𝘦𝘢𝘤𝘦 𝘢𝘯𝘥 𝘴𝘦𝘤𝘶𝘳𝘪𝘵𝘺 𝘵𝘰 𝘰𝘶𝘳 𝘧𝘢𝘳𝘮𝘦𝘳𝘴. 𝘉𝘺 𝘳𝘦𝘥𝘶𝘤𝘪𝘯𝘨 𝘵𝘩𝘦 𝘤𝘰𝘴𝘵 𝘢𝘯𝘥 𝘥𝘦𝘭𝘢𝘺𝘴 𝘪𝘯 𝘭𝘦𝘨𝘢𝘭 𝘱𝘳𝘰𝘤𝘦𝘴𝘴𝘦𝘴, 𝘸𝘦 𝘢𝘳𝘦 empowering them 𝘵𝘰 𝘧𝘰𝘤𝘶𝘴 𝘰𝘯 𝘵𝘩𝘦 𝘧𝘶𝘭𝘭 𝘶𝘴𝘦 𝘢𝘯𝘥 𝘥𝘦𝘷𝘦𝘭𝘰𝘱𝘮𝘦𝘯𝘵 𝘰𝘧 𝘵𝘩𝘦𝘪𝘳 𝘭𝘢𝘯𝘥.”
Provincial Agrarian Reform Program Officer Rizzel B. Villanueva highlighted the program’s impact: “𝘈RJOW 𝘨𝘪𝘷𝘦𝘴 𝘰𝘶𝘳 𝘧𝘢𝘳𝘮𝘦𝘳𝘴 𝘢 𝘷𝘰𝘪𝘤𝘦 𝘢𝘯𝘥 𝘢 𝘱𝘭𝘢𝘵𝘧𝘰𝘳𝘮 𝘵𝘰 𝘴𝘦𝘦𝘬 𝘧𝘢𝘪𝘳 𝘢𝘯𝘥 𝘧𝘢𝘴𝘵 𝘳𝘦𝘴𝘰𝘭𝘶𝘵𝘪𝘰𝘯 𝘰𝘧 𝘵𝘩𝘦𝘪𝘳 𝘤𝘰𝘯𝘤𝘦𝘳𝘯𝘴, 𝘳𝘦𝘧𝘭𝘦𝘤𝘵ing 𝘋𝘈𝘙’s 𝘮𝘪𝘴𝘴𝘪𝘰𝘯 𝘵𝘰 𝘴𝘵𝘢𝘯𝘥 𝘣𝘺 them 𝘢𝘵 𝘢𝘭𝘭 𝘵𝘪𝘮𝘦𝘴.”
The DAR’s participation, led by Villanueva, was conducted in partnership with the Provincial Government of Zamboanga del Norte under Governor Darel Dexter Uy, and in coordination with the Presidential Management Staff (PMS), Department of the Interior and Local Government (DILG), and the cities of Dipolog and Dapitan.
The Justice on Wheels caravan forms part of a nationwide simultaneous rollout of government services in celebration of the 68th birthday of President Ferdinand R. Marcos, Jr.
# # #
𝐃𝐀𝐑, Din𝐚𝐥𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐀𝐠𝐫𝐚𝐫𝐢𝐚𝐧 𝐉𝐮𝐬𝐭𝐢𝐜𝐞 𝐨𝐧 𝐖𝐡𝐞𝐞𝐥𝐬 𝐬𝐚 𝐙𝐚𝐦𝐛𝐨𝐚𝐧𝐠𝐚 𝐝𝐞𝐥 𝐍𝐨𝐫𝐭𝐞
DIPOLOG CITY, Zamboanga del Norte — Mas mabilis, abot-kaya, at diretsong naihatid ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang katarungan sa mga magsasaka at agrarian reform beneficiaries (ARBs) sa Zamboanga del Norte sa pamamagitan ng Agrarian Justice on Wheels (ARJOW) na inilunsad sa ZN Convention and Sports Center.
Sa pamamagitan ng ARJOW, direktang dinadala sa mga komunidad ang mobile legal services at pagdinig ng kaso, na nagdudulot ng sumusunod na benepisyo para sa mga ARB:
· Agarang nareresolba ang mga usaping lupa sa mismong lugar, kaya’t hindi na kailangan pang gumastos at bumiyahe nang malayo para maghabol ng kaso;
· Naihahandog ang libreng konsultasyon tungkol sa tenurya, pagmamay-ari ng lupa, at iba pang usaping agraryo;
· Napapabilis ang pag-re-issue ng Collective CLOAs at iba pang dokumento, na nagbibigay ng katiyakan sa karapatan sa lupa ng mga magsasaka.
“𝘚𝘢 𝘱𝘢𝘮𝘢𝘮𝘢𝘨𝘪𝘵𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘈𝘨𝘳𝘢𝘳𝘪𝘢𝘯 𝘑𝘶𝘴𝘵𝘪𝘤𝘦 𝘰𝘯 𝘞𝘩𝘦𝘦𝘭𝘴, 𝘥𝘪𝘯𝘢𝘥𝘢𝘭𝘢 natin 𝘢𝘯𝘨 𝘩𝘶𝘬𝘶𝘮𝘢𝘯 𝘴𝘢 ating 𝘮𝘨𝘢 𝘮𝘢𝘨𝘴𝘢𝘴𝘢𝘬𝘢. Tinitiyak nitong 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘳𝘦𝘴𝘰𝘭𝘣𝘢 𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘴𝘰 ay hindi lamang mabilis kundi makatao, lalo na sa mga ARB na walang sapat na kakayahan na pumunta sa malalayong korte,” ani DAR Assistant Secretary Rolando Cua.
Dagdag pa ni DAR Regional Director Atty. Ramon Madroñal, Jr., “𝘐𝘱𝘪𝘯𝘢𝘱𝘢𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘯𝘨 𝘱𝘳𝘰𝘨𝘳𝘢𝘮𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘵𝘰 𝘯𝘢 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘶𝘱𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘱𝘪𝘯𝘢𝘮𝘪𝘮𝘪𝘨𝘢𝘺 𝘯𝘨 𝘋𝘈𝘙, 𝘬𝘶𝘯𝘥𝘪 𝘬𝘢𝘱𝘢𝘺𝘢𝘱𝘢𝘢𝘯 𝘢𝘵 𝘬𝘢panatag𝘢𝘯 𝘴𝘢 𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘮𝘢𝘨𝘴𝘢𝘴𝘢𝘬𝘢. 𝘚𝘢 𝘱𝘢𝘮𝘢𝘮𝘢𝘨𝘪𝘵𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨bawas 𝘯𝘨 𝘨𝘢𝘴𝘵𝘰𝘴 𝘢𝘵 𝘱𝘢𝘨𝘢𝘯𝘵𝘢𝘭𝘢 𝘴𝘢 𝘱𝘳𝘰𝘴𝘦𝘴𝘰 𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘴𝘰, 𝘯𝘢𝘣𝘪𝘣𝘪𝘨𝘺𝘢𝘯 𝘴𝘪𝘭𝘢 𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘬𝘢𝘬𝘢𝘵𝘢𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘬𝘢𝘵𝘶t𝘰k 𝘴𝘢 paggamit at pagpapaunlad 𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘯𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘶𝘱𝘢.”
Ayon naman kay Provincial Agrarian Reform Program Officer Rizzel B. Villanueva, “𝘈𝘯𝘨 𝘈R𝘑O𝘞 𝘢𝘺 𝘯𝘢𝘨𝘣𝘪𝘣𝘪𝘨𝘢𝘺 ng boses at plataporma 𝘴𝘢 mga 𝘮𝘢𝘨𝘴𝘢𝘴𝘢𝘬𝘢 𝘶𝘱𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘱𝘢𝘬𝘪𝘯𝘨𝘢𝘯 𝘢𝘵 𝘮𝘢𝘳𝘦𝘴𝘰𝘭𝘣𝘢 𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘥𝘢𝘭𝘪 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘯𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 hinaing 𝘯𝘢 siyang 𝘵𝘶𝘯𝘢𝘺 𝘯𝘢 misyon ng DAR–ang laging kumalinga sa ating 𝘮𝘨𝘢 𝘮𝘢𝘨𝘴𝘢𝘴𝘢𝘬𝘢.”
Pinangunahan ng DAR sa pamumuno ni Villanueva ang programa, katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Zamboanga del Norte sa pangunguna ni Governor Darel Dexter Uy, sa koordinasyon ng Presidential Management Staff (PMS), Department of the Interior and Local Government (DILG), at mga lungsod ng Dipolog at Dapitan.
Ang Justice on Wheels caravan sa Zamboanga del Norte ay bahagi ng sabayang paghahatid ng iba’t ibang serbisyo ng pamahalaan bilang pagdiriwang sa ika-68 kaarawan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.
# # #
Captions for Photos 1-5:
The DAR in Zamboanga del Norte actively participated in the Handog ng Pangulo: Serbisyong Sapat Para sa Lahat, featuring the Agrarian Justice Delivery Program through the Agrarian Justice on Wheels.
(Ang DAR sa Zamboanga del Norte ay aktibong lumahok sa "Handog ng Pangulo: Serbisyong Sapat Para sa Lahat" na nagtatampok sa Agrarian Justice Delivery Program sa pamamagitan ng Agrarian Justice on Wheels.)
By: Pinky Roque with inputs from DAR-Zamboanga del Norte

Address

Pat Senador Street
Del Monte
1105

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Balitang Tabloid News posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Balitang Tabloid News:

Share