08/08/2025
Bagong Simula!
Bago para sa akin ang pagmomotor. Aminin ko sa sarili na hindi ko kabisado ang mga ganitong klaseng motor. Pero kailangang matutunan kasi ito yung kailangan sa mission ko bilang pari, lalo na sa pagpunta sa mga liblib na barrio.
Hindi lang ito tungkol sa pag-arangkada o balanse. Ito rin ay tungkol sa pagtitiwala sa sarili, sa proseso, at higit sa lahat, sa Diyos na siyang nagbibigay ng direksyon sa lahat ng biyahe.
Oo, minsan nakakatakot. Pero sa bawat pagikot ng gulong, napapalapit ako sa mga taong kailangan kong paglingkuran. Sa bawat pagpreno, natututo akong maghintay at makinig. Sa bawat simula ng makina, pinapaalalahanan ako na ito rin ay bagong simula ng paglilingkod.
Hindi ko ito pinili dahil madali. Pinili ko ito dahil ito ang tawag. At kapag ang misyon ang gasolina, siguradong hindi ka mauubusan ng lakas.