23/06/2026
**ANG ESTUDYANTENG PINILI MUNANG ILIGTAS ANG KANIYANG MGA KAKLASE 🕊️**
Sa gitna ng takot at kaguluhan, may isang estudyanteng hindi nagdalawang-isip na kumilos para sa iba.
Si **Chris Lorenz Fabian** ang estudyanteng tumayo at lumapit sa pintuan upang isara at seguruhin ito. Sa halip na unahin ang sariling kaligtasan, pinili niyang protektahan ang kaniyang mga kaklase.
Dahil sa tapang na ipinakita niya, napigilan umano ang mas malaking kapahamakan sa loob ng kanilang silid-aralan.
Pero mas lalo pang dumurog sa puso ang mensahe mula sa kaniyang g**o at mga kaklase.
**“Sabi ng kaklase niya, ‘Ma’am, tatakbo na sana sila palabas, pero nagsalita siya na iwan na lang siya dahil nabaril na raw siya.’”**
**“Grabe, Ma’am. Si Fabian, ibinigay niya ang buhay niya para sa mga kaklase niya.”**
**“Okay lang kami, Ma’am, pero si Chris Fabian, wala na.”**
Isang estudyanteng dapat ay may mga pangarap pang tinutupad.
Isang anak, kaibigan, at kaklaseng minahal ng marami.
Ngunit sa huling sandali, pinili niyang maging matapang para sa kaligtasan ng iba.
Hindi malilimutan ang pangalan ni **Chris Lorenz Fabian**.
Paalam, Chris.
Salamat sa tapang, pagmamahal, at sakripisyong iniwan mo. 🕊️
**Justice for Chris and all the victims.**