She lives by faith

  • Home
  • She lives by faith

She lives by faith God-dependent_woman🌻🤍

16/07/2025

A Spoken Journal from within the heart | P1
“Lord, bakit siya?”
Minsan may mga bagay tayong ipinagpe-pray -tao, trabaho, promotion, negosyo—pero iba ang binibigyan ni Lord.
Pero ang totoo:
Ang "no" Niya sa'yo ngayon ay "yes" Niya sa mas magandang bagay na gagawin Niya sa'yo.

Hindi porket nakuha ng iba, ay talo ka na.
Hindi ka naiwan kundi piniprepare ka lang.

Katulad ni Jairus:
Nauna siyang lumapit kay Jesus.
Pero sa gitna ng daan, may inuna si Jesus na iba—isang babaeng 12 years nang naghihirap.
At habang naghihintay si Jairus, dumating ang balita: “Patay na ang anak mo.”
Kung siya ang ikaw, siguro ang tanong mo rin:
“Lord, bakit Siya?”

Pero sagot ni Jesus:
“Don’t be afraid. Just believe.”- Mark 5:36
(At sa dulo ng kwento -hindi lang gumaling ang anak niya… binuhay ito.)

Kaya kung pakiramdam mo ay nauunahan ka,
O napag-iiwanan ka,
Tandaan mo:
Hindi late si Lord.
Miracles delayed are often miracles upgraded

God bless your heart kapatid 🤍
To God all be the Glory 🙌🏻

13/07/2025

A spoken word from within the heart.🤍 | P2.
“Hindi Mangangamba,
Sapagkat May Diyos na Nag poprotekta”😇🌱

To anyone going through a battle ,may you be reminded that God is your shield. “Hindi mo kailangang matakot.”


To God all be the Glory 🙌🏻

07/07/2025

A spoken word from within the heart.🤍 | P1
“Sa Bawat Paalam, May Pangakong Hindi ka iiwan”

To all servant of God , our fellow worker in the Kingdom,
who’s about to go home to the Philippines and face a new journey.

Hindi man na tayo magkakasama sa parehong lugar,
pero iisa pa rin ang ating layunin:
“Maglingkod sa Diyos, saan man tayo dalhin”

Maraming salamat sa buhay mo, kapatid.
Ang iyong paglilingkod ay hindi malilimutan.
Mahal ka namin, at lagi kang may tahanan sa puso naming mga naiwan. 💛

“Hindi ka iiwan ng Diyos sa bagong simula, Siya pa rin ang kasama mo.” 🙌

PS (please, Don’t mind the typo😅)

To God all be the Glory

25/06/2025

Your secret prayers today may bring public breakthrough tomorrow 🫶🏻

Keep praying 🙏🏻🌱

18/06/2025

9 But he said to me, “My grace is sufficient for you, for my power is made perfect in weakness.” Therefore I will boast all the more gladly about my weaknesses, so that Christ’s power may rest on me. 10 That is why, for Christ’s sake, I delight in weaknesses, in insults, in hardships, in persecutions, in difficulties. For when I am weak, then I am strong. 2 Corinthians 12:9-10

16/06/2025

Sometimes, God closes the door not to punish you, but to protect you — and to redirect you.🤍

Sa panahon ngayon, maraming relasyon ang nagsisimula sa kilig, charm o attraction, pressure but God calls us to somethin...
13/05/2025

Sa panahon ngayon, maraming relasyon ang nagsisimula sa kilig, charm o attraction, pressure but God calls us to something deeper. As believers, both men and women are called to honor God in every area of life. (Dapat ang bawat relasyon ay nakasentro sa Kanya☝🏻🙏🏻 )

To the woman of God:
You are worth more than surface-level charm or empty promises.Don’t settle for being pursued by words alone.
Let a man pursue you in prayer, ang lalaking nananalangin ay inuuna ang puso ng Diyos bago ang puso mo. He doesn’t chase just to win you but he seeks to honor you through God’s direction. (mayroon leading ng Diyos)

To the man of God:
Don’t let passion be your only compass. Physical attraction fades, but a heart that honors God will stand the test of time. Pursue her in prayer, not just in passion. Ask the Lord, “Is she the one You have prepared for me?”

Let your relationship be a result of God’s leading, not just your feelings.

Proverbs 3:5–6
"Trust in the Lord with all your heart and lean not on your own understanding; in all your ways submit to him and he will make your paths straight."

God bless your heart kapatid🤍
To God all be the Glory 🙌🏻

02/05/2025

Don’t feel disqualified because of your breakdown,
God uses broken people for His glory. ✨

Lahat tayo napapagod, maaring ..Pagod ka na sa kakatrabaho buong araw.Pagod ka nang umintindi, magmahal o masaktan.Pagod...
24/04/2025

Lahat tayo napapagod, maaring ..
Pagod ka na sa kakatrabaho buong araw.
Pagod ka nang umintindi, magmahal o masaktan.
Pagod ka na mag desisyon,
Pagod ka na sa dami ng problema
o buhatin ang bawat pasanin
Pagod ka na makipaglaban kasi pakiramdam mo ay parang wala nang nangyayaring maganda kahit naglilingkod ka.

Kapatid,
Kahit ang pinakamalalakas, minsan nauubusan din ng sigla.
May mga araw na parang ayaw mo nang bumangon, parang wala ka nang maibigay.

Pero ang pangako ng Diyos ay tapat at malinaw na dapat natin panghawakan
“Ang mahihina't mga napapagod ay kanyang pinapalakas.
Kahit na ang mga kabataan ay napapagod at nanlulupaypay.Ngunit muling lumalakas at sumisigla ang nagtitiwala kay Yahweh.Lilipad silang tulad ng mga agila
Sila'y tatakbo ngunit hindi mapapagod,
sila'y lalakad ngunit hindi manghihina. .” – Isaias 40:29-31

Ang lakas na galing sa Kanya ay hindi nauubos.
Hindi ito nakabase sa ganda ng kalagayan mo kundi nakabase ito sa pagtitiwala mo sa Kanya.
Kung ikaw ay napapagod, nanghihina o parang wala ka nang direksyon...
huminto ka muna sandali– huminga ka muna ng malalim
Hindi para sumuko, kundi para sumandal sa Kanya.

Ang tunay na lakas ay hindi laging tungkol sa pagiging matatag
minsan ito ay ang kakayahang maghintay,magtiwala at manampalataya
hindi mo kailangang pilitin ang sarili mo.
hingin mo lang ang lakas na galing sa Kanya.

God bless your heart kapatid🤍✨


Kapatid, Madalas gusto nating tayo ang may hawak ng panulat.Pero ang Diyos ang tunay na May Akda ng ating buhayang may k...
22/04/2025

Kapatid,
Madalas gusto nating tayo ang may hawak ng panulat.
Pero ang Diyos ang tunay na May Akda ng ating buhay
ang may kakayahang magsulat ng wakas na may saysay, na may kabutihan at may kaluwalhatian.

Huwag kang matakot sa mga susunod na kabanata o sa magiging wakas, Sapagkat kung hahayaan mo Siya ang sumusulat siguradong magiging maganda ang dulo nito.
dahil ang Diyos ay may magandang plano para sa buhay mo at ng bawat isa 😇

“For I know the plans I have for you,” declares the Lord, “plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future.”
‭‭Jeremiah‬ ‭29‬:‭11‬ ‭NIV‬‬

God bless your heart kapatid 🤍✨

Kapatid,Hindi palaging ayon sa plano natin ang takbo ng buhay.May mga pinto na nagsasara. May mga tao na nawawala o aali...
22/04/2025

Kapatid,
Hindi palaging ayon sa plano natin ang takbo ng buhay.
May mga pinto na nagsasara. May mga tao na nawawala o aalis,
Ngunit kapag nanatili tayong tapat at nagtitiwala sa Panginoon ,
makikita nating bawat liko ay may layunin,
bawat paghihintay ay may saysay,
at sa bawat pagtatapos—kapag tayo ay nasa Kanya tiyak ito ay magiging maganda.

“Alam natin na sa lahat ng bagay, gumagawa ang Dios para sa ikabubuti ng mga umiibig sa kanya, na kanyang tinawag ayon sa kanyang layunin.” Roma‬ ‭8‬:‭28‬ ‭ASND‬‬

Kapatid, kahit sa gitna ng gulo, sakit o pagkabigo, hindi tumitigil ang Diyos sa paggawa.
Hindi man natin agad makita ang kabutihan sa likod ng mga nangyayari, makakaasa tayo na ang bawat pangyayari maging mabuti o mahirap ay ginagamit Niya upang hubugin tayo, itama ang ating landas, at ilapit tayo sa Kanyang layunin.

Ang Diyos ay hindi nagkakamali.
Bawat luha ay may tinuturo.
Bawat delay ay may direksyon.
At bawat sugat ay maaaring gamitin para sa mas malaking pagpapala.
Kaya kapit lang ka lang ha.
Patuloy kang magtiwala sapagkat sa Diyos, walang sayang. 🤍

God bless your heart kapatid🤍✨

Sa bawat pagsubok, sa bawat hamon ng buhay, may kapanatagan at kapayapaan tayo sapagkat hindi tayo kailanman iiwan ng Di...
21/03/2025

Sa bawat pagsubok, sa bawat hamon ng buhay, may kapanatagan at kapayapaan tayo sapagkat hindi tayo kailanman iiwan ng Diyos.

Hindi lang Niya tayo sasamahan kundi May maganda na Siyang inihanda na para sa atin, ang kailangan lang natin gawin ay magpakatatag at humakbang ng may pananampalataya

“The Lord himself goes before you and will be with you; he will never leave you nor forsake you. Do not be afraid; do not be discouraged.” - Deuteronomy 31:8

Kaya huwag kang matakot, huwag kang panghinaan ng loob. Sa lahat ng laban, kasama mo ang Diyos, at kailanman ay hindi ka Niya iiwan. 🙏

God bless your heart kapatid 🤍🌱

Address


Alerts

Be the first to know and let us send you an email when She lives by faith posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to She lives by faith:

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Contact The Business
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share