The Brincatians

The Brincatians The Official page of Mother Margherita de Brincat Catholic School, Inc.

Happy 145th Founding Anniversary of the Congregation of the Franciscan Sisters of the Heart of Jesus! 🙏🏻May this special...
01/09/2025

Happy 145th Founding Anniversary of the Congregation of the Franciscan Sisters of the Heart of Jesus! 🙏🏻

May this special milestone be a reminder of the enduring love, unwavering faith, and compassionate service that your congregation continues to embody. Your dedication and selfless devotion inspire countless lives and illuminate the world with Christ’s love.

Wishing you abundant blessings, continued strength, and renewed zeal as you carry forward your mission of mercy and service.

31/08/2025

[𝐈𝐂𝐘𝐌𝐈] 𝐌𝐌𝐝𝐁𝐂𝐒𝐈 𝐁𝐚𝐬𝐤𝐞𝐭𝐛𝐚𝐥𝐥 𝐓𝐞𝐚𝐦, 𝐝𝐢𝐧𝐨𝐦𝐢𝐧𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐀𝐏𝐒 𝐂𝐥𝐮𝐬𝐭𝐞𝐫 𝟏 𝐌𝐞𝐞𝐭

Matagumpay na nasilat ng koponang Mother de Brincat Catholic School, Inc. sa basketball ang kauna-unahang kampeonato ng paaralan sa 5x5 Men's Basketball Cluster 1 ng Bataan Association of Private Schools Meet, ika-28 ng Agosto.

Nagtangka ang mga pribadong paaralan ng University of Nueva Caceres, Saint John’s Academy Inc., St. Jerome Emiliani School, Jesus Saves Integrated School Foundation, Saint Peter of Verona Academy, at Our Lady of the Pillar Parochial School, Inc.-Morong, na pataubin ang mga katunggali patungo sa labanan sa kampeonato.

Ngunit kapwa nanaig ang galing ng mga manlalaro ng MMdBCSI at Eastwoods College of Science and Technology kontra sa mga dumalong manghahamon.

Sa huli, tuluyang napagbasak ng MMdBCSI Team ang ECST sa championship match ng nasabing torneo, 30-14, at magsisilbing pambato ng Cluster 1 sa darating na BAPS Meet sa Setyembre 9-10.

Isinulat ni: Jireh Vincent Recibe
Iniulat ni: Mikyla Nicole Laxa
Inihanda ni: Ethan Pastor

𝐌𝐚𝐤𝐮𝐥𝐚𝐲 𝐧𝐚 𝐏𝐚𝐠𝐭𝐚𝐭𝐚𝐩𝐨𝐬 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠𝐝𝐢𝐫𝐢𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐠 𝐁𝐮𝐰𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐖𝐢𝐤𝐚 𝐬𝐚 𝐉𝐇𝐒 𝐚𝐭 𝐒𝐇𝐒, 𝐓𝐚𝐦𝐩𝐨𝐤 𝐚𝐧𝐠 𝐓𝐚𝐠𝐢𝐬𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐓𝐚𝐥𝐞𝐧𝐭𝐨 Sa isang makulay at m...
30/08/2025

𝐌𝐚𝐤𝐮𝐥𝐚𝐲 𝐧𝐚 𝐏𝐚𝐠𝐭𝐚𝐭𝐚𝐩𝐨𝐬 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠𝐝𝐢𝐫𝐢𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐠 𝐁𝐮𝐰𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐖𝐢𝐤𝐚 𝐬𝐚 𝐉𝐇𝐒 𝐚𝐭 𝐒𝐇𝐒, 𝐓𝐚𝐦𝐩𝐨𝐤 𝐚𝐧𝐠 𝐓𝐚𝐠𝐢𝐬𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐓𝐚𝐥𝐞𝐧𝐭𝐨

Sa isang makulay at makabuluhang pagtatapos ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika ngayong taon, sa pangunguna pa rin ng Sandiwa Club, nagdaos ng isang masaya at inspirasyonal na programa ang mga mag-aaral sa Junior High School (JHS) at Senior High School (SHS) noong Agosto 29, 2025, sa Fr. Diacono Hall, MMdBCSI.

Sa huling araw ng selebrasyon, tampok ang paligsahan sa pag-awit na pinangunahan ng mga mag-aaral mula sa parehong departamento. Nagpasiklaban sila sa iba't ibang awitin na nagpasaya at nagpasigla sa buong komunidad ng paaralan. Hindi rin nagpahuli ang mga kabataang mananayaw ng JHS, na nag-ambag ng kanilang talento sa isang makalumang yugyog na isinabay sa makabagong tugtog, na nagbigay-diin sa yaman ng tradisyon at modernong kultura. Dagdag pa rito, nagpamalas din ng angking talento ang Spectra Dance Troupe sa pagsayaw at mga miyembro ng iba’t ibang banda sa pagtugtog at pag-awit.

Upang ganap na matapos ang programa sa Buwan ng Wika, kinilala ang bawat mag-aaral at bawat baitang ng paaralan na nagwagi sa mga patimpalak na isinagawa.

🏆 Paligsahan sa Pag-awit (JHS) 🎙️
Unang Puwesto - Carl Levin Del Rosario
Ikalawang Puwesto - Heilee Mendoza
Ikatlong Puwesto - Kate Aguimatang
Ikaapat na Puwesto - Althea Ocampo
Ikalimang Puwesto - Cris Aven David

🏆 Paligsahan sa Pag-awit (SHS) 🎤
Unang Puwesto - Hanah Grace Lapid
Ikalawang Puwesto - Roshane Valencia
Ikatlong Puwesto - Ta**us Jane Bedaña
Ikaapat na Puwesto - Cathrina Llubit
Ikalimang Puwesto - Lianne De Guzman

🏆 Patimpalak sa Pagsayaw ng Makalumang Yugyog sa Makabagong Tugtog 🕺💃
Unang Puwesto - Gr. 8 (Saint Theophilus)
Ikalawang Puwesto - Gr. 9 (Saint Thomas Aquinas)
Ikatlong Puwesto - Gr. 8 (Saint Veronica)
Ikaapat na Puwesto - Gr. 7 (Saint Pedro Calungsod)
Ikalimang Puwesto - Gr. 10 (Saint Martin de Porres)

Ginawaran naman ng Sertipiko ng Pakikilahok ang mga mag-aaral at iba pang mga antas ng baitang na hindi pinalad makapasok sa limang pinakamataas na puwesto.

Ang aktibidad ay naging isang masiglang pagtitipon na nagpatunay sa pagmamahal ng mga kabataan sa wikang Filipino at kultura.

🤎💛🤍
🏫Mother Margherita de Brincat Catholic School, Inc.

𝐏𝐚𝐠𝐝𝐢𝐫𝐢𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐠 𝐁𝐮𝐰𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐖𝐢𝐤𝐚 𝟐𝟎𝟐𝟓Departamento ng JHS at SHS Sa pangunguna ng 𝐒𝐚𝐧𝐝𝐢𝐰𝐚 𝐂𝐥𝐮𝐛 (Filipino & A.P.), matagumpay ...
30/08/2025

𝐏𝐚𝐠𝐝𝐢𝐫𝐢𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐠 𝐁𝐮𝐰𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐖𝐢𝐤𝐚 𝟐𝟎𝟐𝟓
Departamento ng JHS at SHS

Sa pangunguna ng 𝐒𝐚𝐧𝐝𝐢𝐰𝐚 𝐂𝐥𝐮𝐛 (Filipino & A.P.), matagumpay na idinaos ng Mother Margherita de Brincat Catholic School, Inc. ang Buwan ng Wika, Agosto 27–29.

Pinagtibay ng naturang pagdiriwang ang diwa ng makabayang Filipino sa puso at isipan ng mga dumalo rito; ang tema ngayong taon ay “Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa."

Tampok sa unang dalawang araw na selebrasyon ang samu't saring mga aktibidad at patimpalak para sa mga mag-aaral ng MMdBCSI katulad ng Paligsahan sa Pagsasalin, Pagguhit ng Poster, Paggawa ng Slogan at Infographics, at Paligsahan sa Spoken Poetry. Sa huling araw naman, pinahanga ng mga mag-aaral ang mga manunuod dahil sa kanilang mga angking talento sa pag-awit at pagsayaw.

Sa kabuuan, naging makulay at makabuluhan ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Nawa'y magsilbing paalala ito sa atin na mahalin at ipagmalaki ang ating sariling kultura at wika. Sa ganitong paraan, mas lalo nating mapapalalim ang pagmamahal sa bayan at pagmamalasakit sa ating pagkakakilanlan bilang mga Pilipino.

Sandiwa Club Advisers:
🧑🏻‍🏫 Mr. Ronnel L. Yalung
👩🏻‍🏫 Ms. Yvon B. Torno
👩🏻‍🏫 Ms. Marianne Joy S. Diocson

🤎💛🤍
Ulat ni: Krista Dominique Dizon
Larawang kuha nina: Laud Lexies Manuel at Shinna Batac

29/08/2025

Pinahanga at pinatunayan ng mga miyembro ng 𝐒𝐏𝐄𝐂𝐓𝐑𝐀 Dance Troupe ang kanilang angking talento sa kanilang natatanging pagtatanghal sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2025. 👏🏼👏🏼👏🏼

🤎💛🤍

SPECTRA Adviser: Mr. Justin B. Pavia
SPECTRA President: John Jairus C. Tolentino

🕺💃

❗️Music Disclaimer: The tracks featured are not our property and are used solely for entertainment. All rights reserved to the original artists.

𝐌𝐚𝐤𝐮𝐥𝐚𝐲 𝐧𝐚 𝐏𝐚𝐠𝐝𝐢𝐫𝐢𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐠 𝐁𝐮𝐰𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐖𝐢𝐤𝐚 𝟐𝟎𝟐𝟓 𝐬𝐚 𝐌𝐨𝐭𝐡𝐞𝐫 𝐌𝐚𝐫𝐠𝐡𝐞𝐫𝐢𝐭𝐚 𝐝𝐞 𝐁𝐫𝐢𝐧𝐜𝐚𝐭 𝐂𝐚𝐭𝐡𝐨𝐥𝐢𝐜 𝐒𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥, 𝐈𝐧𝐜.Departamento ng Pre-El...
29/08/2025

𝐌𝐚𝐤𝐮𝐥𝐚𝐲 𝐧𝐚 𝐏𝐚𝐠𝐝𝐢𝐫𝐢𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐠 𝐁𝐮𝐰𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐖𝐢𝐤𝐚 𝟐𝟎𝟐𝟓 𝐬𝐚 𝐌𝐨𝐭𝐡𝐞𝐫 𝐌𝐚𝐫𝐠𝐡𝐞𝐫𝐢𝐭𝐚 𝐝𝐞 𝐁𝐫𝐢𝐧𝐜𝐚𝐭 𝐂𝐚𝐭𝐡𝐨𝐥𝐢𝐜 𝐒𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥, 𝐈𝐧𝐜.

Departamento ng Pre-Elementarya at Elementarya

Sa isang makulay at masayang selebrasyon, ipinagdiwang ng Departamento ng Pre-Elementarya at Elementarya ng Mother Margherita de Brincat Catholic School, Inc. ang Buwan ng Wika ngayong 2025 na may temang, “Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa”. Ang pagtitipon ay naglalayong pasiglahin at paigtingin ang pagmamahal sa sariling wika at kultura ng mga mag-aaral.

Sa larangan ng pre-elementarya, nagpakita ang mga bunso ng ating paaralan ng mga makukulay na sayaw na sinasalihan ng mga tugtog na may saliw ng mga makabayang awitin. Ang mga bata ay nagpasalamat sa pagkakataong maipamalas ang kanilang talento sa isang masiglang palabas na nagbigay-inspirasyon sa lahat ng nanonood.

Samantala, sa bahagi naman ng elementarya, nagkaroon ng paligsahan sa sabayang-pagbigkas na nilahukan ng mga mag-aaral mula unang baitang hanggang ika-anim na baitang. Ipinamalas nila ang kanilang galing sa pagbibigkas ng mga tula at maikling pahayag tungkol sa wika at kultura ng Pilipinas.

🎉Paligsahan sa Sabayang-Pagbigkas (1-3)
🥇 Unang Baitang
🥈 Ikalawang Baitang
🥉 Ikatlong Baitang

🎉Paligsahan sa Sabayang-Pagbigkas (4-6)
🥇 Ikaapat na Baitang
🥈 Ikaanim na Baitang
🥉 Ikalimang Baitang

Ang aktibidad ay bahagi ng kanilang paghahanda at pagpapahalaga sa ating sariling wika, bilang isang paraan upang mapanatili at mapalaganap ang pagmamalaki sa ating kultura at kasaysayan.

Lubos ang pasasalamat ng paaralan sa lahat ng lumahok at nakibahagi sa masayang pagdiriwang na ito, na nagsisilbing paalala na ang wikang Filipino ay buhay at patuloy na umiiral sa puso at isipan ng bawat Pilipino.

Pagbati, Young Brincatians! 🤎💛🤍

29/08/2025

Buwan Ng Wika 2025
Junior High School

Paligsahan sa Pagsayaw ng Makalumang Yugyog sa Makabagong Tugtog 🤎💛🤍

DISCLAIMER: We hereby declare that we do not own the rights to these musics/songs. All rights belong to the owner/s. No Copyright Infringement Intended.

𝐁𝐫𝐢𝐧𝐜𝐚𝐭𝐢𝐚𝐧𝐬 𝐂𝐨𝐦𝐩𝐞𝐭𝐞 𝐢𝐧 𝐂𝐡𝐚𝐦𝐩𝐢𝐨𝐧𝐬𝐡𝐢𝐩 𝐑𝐨𝐮𝐧𝐝 𝐚𝐭 𝐂𝐥𝐮𝐬𝐭𝐞𝐫 𝟏 𝐁𝐀𝐏𝐒 𝐌𝐞𝐞𝐭The Brincatians’ Basketball Team (3x3 Boys) competed fie...
28/08/2025

𝐁𝐫𝐢𝐧𝐜𝐚𝐭𝐢𝐚𝐧𝐬 𝐂𝐨𝐦𝐩𝐞𝐭𝐞 𝐢𝐧 𝐂𝐡𝐚𝐦𝐩𝐢𝐨𝐧𝐬𝐡𝐢𝐩 𝐑𝐨𝐮𝐧𝐝 𝐚𝐭 𝐂𝐥𝐮𝐬𝐭𝐞𝐫 𝟏 𝐁𝐀𝐏𝐒 𝐌𝐞𝐞𝐭

The Brincatians’ Basketball Team (3x3 Boys) competed fiercely in the championship round at the Cluster 1 BAPS Meet. Their outstanding performance and teamwork earned them one of the top placements, making the school proud. 🎉

Sports Coordinator: Mr. Jeric D. Baluyot
Coach: Mr. Christopher P. Agustin
Principal: Sr. Ireen A. Mallo, FCJ
School Directress: Sr. Naseem ‘Agnes’ Daniel, FCJ

Congratulations to the players and coach for reaching this prestigious stage. Kudos, Brincatians! 🤎💛🤍

𝐁𝐫𝐢𝐧𝐜𝐚𝐭𝐢𝐚𝐧𝐬’ 𝐁𝐚𝐬𝐤𝐞𝐭𝐛𝐚𝐥𝐥 𝐓𝐞𝐚𝐦 𝐂𝐥𝐢𝐧𝐜𝐡𝐞𝐬 𝐂𝐡𝐚𝐦𝐩𝐢𝐨𝐧𝐬𝐡𝐢𝐩 𝐚𝐭 𝐂𝐥𝐮𝐬𝐭𝐞𝐫 𝟏 𝐁𝐀𝐏𝐒 𝐌𝐞𝐞𝐭 𝟐𝟎𝟐𝟓The Brincatians basketball team made histo...
28/08/2025

𝐁𝐫𝐢𝐧𝐜𝐚𝐭𝐢𝐚𝐧𝐬’ 𝐁𝐚𝐬𝐤𝐞𝐭𝐛𝐚𝐥𝐥 𝐓𝐞𝐚𝐦 𝐂𝐥𝐢𝐧𝐜𝐡𝐞𝐬 𝐂𝐡𝐚𝐦𝐩𝐢𝐨𝐧𝐬𝐡𝐢𝐩 𝐚𝐭 𝐂𝐥𝐮𝐬𝐭𝐞𝐫 𝟏 𝐁𝐀𝐏𝐒 𝐌𝐞𝐞𝐭 𝟐𝟎𝟐𝟓

The Brincatians basketball team made history by winning the championship against seven private schools at the prestigious Cluster 1 BAPS Meet 2025. Demonstrating exceptional skill, teamwork, and determination, the team triumphed over tough competitors to bring home the title. 🎉
🥇 BRINCAT
🥈 EASTWOODS
🥉 SPVA
Congratulations also to the following: OLOPPSI-Morong, Jesus Saves School, UNC-Bataan, Saint Jerome School, and Saint John’s Academy Inc.! ✨

This victory marks a proud milestone for the school and sets a new standard of excellence in sports. Congratulations to the players and coaches for their hard work and dedication! 🏆

Sports Coordinator: Mr. Jeric D. Baluyot
Coach: Mr. Joe Mhar R. Lacuata
Principal: Sr. Ireen A. Mallo, FCJ
School Directress: Sr. Naseem ‘Agnes’ Daniel, FCJ

Kudos, Brincatians! 🤎💛🤍

28/08/2025

CHAMPIONS! 🤎💛🤍
🏀 MMdBCSI - Brincatians 🏀

BRINCAT VS EASTWOODS

28/08/2025

CHAMPIONSHIP
BRINCAT VS EASTWOODS

Happy birthday! 🎂 Ms. Trisha A. PagsuguironPre-Elementary TeacherGreetings from your Brincatian Family. 🫶🏻
27/08/2025

Happy birthday! 🎂

Ms. Trisha A. Pagsuguiron
Pre-Elementary Teacher

Greetings from your Brincatian Family. 🫶🏻

Address

Kamias Road, Tucop, Bataan
Dinalupihan Bataan
2110

Opening Hours

Monday 9am - 3pm
Tuesday 9am - 3pm
Wednesday 9am - 3pm
Thursday 9am - 3pm
Friday 9am - 3pm

Telephone

+639565948236

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when The Brincatians posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to The Brincatians:

Share