31/07/2025
Mga kapatid, sa gitna ng lahat ng ating ginagawa — paglilingkod, pagsamba, at pakikibaka sa araw-araw — huwag nating kalimutan ang pinakapuso ng ating pananampalataya: ang Ebanghelyo ni Jesu-Cristo.
Sinabi ni Apostol Pablo:
“Si Cristo ay namatay para sa ating mga kasalanan, ayon sa mga Kasulatan; siya'y inilibing, at muling binuhay sa ikatlong araw.”
(1 Corinto 15:3-4)
✨🔥Ito ang Mabuting Balita:
🙏Si Jesus ay namatay hindi dahil sa Kanyang pagkakamali, kundi para sa iyo at sa akin. Siya ang nagbayad ng ating kasalanan, ganun na lamang ang kanyang wagas na pag-ibig satin. (Juan 3:16)
🙏Inilibing Siya — naranasan Niya ang kabuuang bigat ng kamatayan upang hindi na natin ito danasin magpakailanman.
🙏Ngunit Siya'y muling nabuhay! Buhay si Jesus! At dahil Siya ay buhay, may pag-asa tayong tunay.
🕊️ Anong ibig sabihin nito sa atin ngayon?
Kung si Cristo ay namatay para sa ating kasalanan at muling nabuhay, hindi na natin kailangang mamuhay sa takot, guilt, o kahihiyan. Sa Kanya, may bagong simula. Sa Kanya, may kapatawaran. Sa Kanya, may buhay na walang hanggan.
Kailangan natin ang Diyos sapagkat LAHAT ay nagkasala (Roma3:23). Siya lamang ang makakapaliligtas sa atin (Juan 14:6). Gusto Niya tayong bigyan ng kapatawaran, pag-asa, at buhay na walang hanggan.
Jesus died not just to forgive your sins, but to give you a new life — with hope, peace, and purpose. Kaya kung naririnig mo ito ngayon, hindi aksidente ‘yan. Si Jesus ay kumakatok sa puso mo. Tanggapin mo Siya.
>“Ako'y nasa pintuan at kumakatok. Kapag binuksan mo, papasok Ako at makikisalo sa iyo.” — (Pahayag 3:20)
Kapatid, huwag mong hayaang lumipas ang araw na hindi mo naaalala kung gaano ka kamahal ni Jesus. Tanggapin mo ang Ebanghelyo hindi lang bilang kaalaman — kundi bilang kapangyarihang nagpapabago ng puso.
Purihin ang Panginoon! God Bless!