05/10/2026
NAGKAINITAN! VM RESPICIO AT ILANG BARANGAY OFFICIALS, NAGTALO SA ISYU NG TO***CO EXCISE TAX
Nag-init ang sesyon ng Sangguniang Bayan sa Reina Mercedes, Isabela matapos kwestiyunin ang paggamit ng pondong nagmumula sa to***co excise tax.
Diretsahang tinanong ni Vice Mayor Harold Respicio ang mga barangay official kung saan napunta ang pondo at kung anu-anong programa ang kanilang nasimulan o natapos gamit ang to***co excise tax noong nakaraang taon.
Ayon kay Respicio, nais ng mga to***co farmer na makinabang sa nasabing pondo alinsunod sa itinakda ng batas, sa halip na mapunta lamang ito sa iba pang programa ng lokal na pamahalaan.
Nauwi naman sa mainitang palitan ng mga salita ang naturang sesyon habang hinihingi ang malinaw na paliwanag tungkol sa paggamit at implementasyon ng mga programang pinondohan ng to***co excise tax.
Patuloy ang paghingi ng paglilinaw sa naturang usapin.
#𝚕𝚒𝚔𝚎𝚏𝚘𝚕𝚕𝚘𝚠𝚜𝚑𝚊𝚛𝚎𝚌𝚘𝚖𝚖𝚎𝚗𝚝 Part 9