05/10/2025
#๐๐๐ง๐ง๐๐ฅ๐ฎ๐๐๐ฟ๐ฎ๐ฆ๐๐ป๐ฑ๐ฎ๐ | ๐ง๐๐๐จ๐๐๐ข๐ก๐
Ber monthsโmalamig, maulan, mahinahon.
Masarap matulog nang mahimbing habang nakatalukbong. Masarap uminom ng kapeng umaaso pa sa init. Masarap hanapin ang mga bisig na makapagpapalaya sa malalagim na panaginip; ng lambing, ng marahang pagtulak tungo sa patuloy nating paglalakbay.
Ngunit minsan ko ring naitanong: ano pa ba ang saysay ng lahat kung maaari naman itong mabura sa isang iglap ng trahedya? Isang lindol, isang sakuna, isang saglit ng pagkawalaโiyan na ba ang kapalit ng aking pagkapit sa munting pag-asang pilit kong pinanghahawakan?
Habang patuloy kong hinahangad ang kagaanan ng huling tatlong buwan ngayong taon, maraming taong katulad ko ang pinagkaitan ng tahanan, alaala, at pag-asa.
Saan natin sila hahanapin ngayon? Sa tabi ng kalsadang bitak? Kung pwede lamang gawing hapunan ang katatagan, baka sakaling mapuno pa ang kanilang kumakalam na tiyan.
Hay.
Sadya bang malakas ang kamalasan nating mga Pilipino?
Maglabas nalang ulit tayo ng isa pang buntong hininga. Muli kong hahawiin ang kumot, babangon mula sa payapa kong pagtatalukbong.
โBong!โ
โBong!โ
โBong!โ
Umuugong ang kampana.
Kaya ngayong Linggo, hayaan mong isara ko muna ang iyong pandinig mula sa bulong ng mga demonyo, at sama-sama tayong manalangin para sa buhay ng sambayanang Pilipino.
Isinulat ni Euclid Nicole Duran
Likhang Sining ni Cherille Mae Closa