09/10/2025
๐๐ข๐ฅ๐ข๐ญ๐๐ซ ๐ง๐๐๐ข๐ ๐จ ๐ค๐๐ฒ ๐๐ฌ๐ฎ๐ง๐ข๐จ ๐ฌ๐ ๐๐๐งโ๐ฌ ๐๐๐๐ฆ๐ข๐ง๐ญ๐จ๐ง ๐๐ข๐ง๐ ๐ฅ๐๐ฌ ๐, 17-21,
Bigong masungkit ni Michael John Militar ang panalo kontra Charles Asunio ng Gattaran National Trade School at naitala ang 1-1 rekord, 17-21, sa Men's Badminton Singles B na ginanap sa Calaoagan Dackel National High School nitong Huwebes, Oktubre 9.
Maganda ang panimula ni Militar matapos niyang ipakita ang kontrol sa net gamit ang mahinahong drop shots.
Napanatili niya ang dikit na iskor sa 11-13 bago pumasok ang mid-game interval.
Gayunman, nagsimulang makuha ni Asunio ang ritmo ng laro at nakapagtala ng sunod-sunod na puntos.
Sinamantala ni Asunio ang bawat pagkakamali ni Militar habang pinipilit nitong bumawi sa ilalim ng malakas na hangin at ulan.
Nagpakita si Militar ng determinasyon sa huling bahagi ng laban sa pamamagitan ng kaniyang mga smash at depensa.
Sa kabila ng kaniyang pagsisikap, nanatiling kalmado si Asunio at pinanatili ang kalamangan hanggang dulo na nagtapos sa 21-17.