01/12/2025
PANUORIN | BIGLAANG PAGBAHA, ACTUAL VIDEO KUHA NG MGA RESIDENTE
Nagulat ang mga residente sa Brgy. Labangal, General Santos City nang biglang umapaw ang tubig-baha kahit hindi naman umuulan sa lugar.
Makikita sa video ang pagtakbo ng mga bata na nasa gilid ng sapa nang mapansin nila ang paparating na rumaragasang tubig.
Nakunan ng video ang pangyayari sa Labangal Bridge. Sa imbestigasyon, nagkaroon pala ng malakas na pag-ulan sa kabundukang bahagi ng Gensan na siyang pinagmulan ng biglaang pagbaha.
📹 Heart Lee