04/08/2026
Feature|𝙇𝙞𝙣𝙜𝙜𝙪𝙬𝙖𝙝𝙞: 𝙒𝙞𝙠𝙖𝙣𝙜 𝙃𝙞𝙣𝙙𝙞 𝘿𝙖𝙥𝙖𝙩 𝙆𝙖𝙡𝙞𝙢𝙪𝙩𝙖𝙣
𝑵𝒂𝒈𝒅𝒂𝒂𝒏 𝒏𝒂 𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒓𝒂𝒎𝒊𝒏𝒈 𝒕𝒂𝒐. 𝑴𝒂𝒓𝒂𝒎𝒊 𝒏𝒂 𝒓𝒊𝒏 𝒂𝒏𝒈 𝒏𝒂𝒈𝒃𝒂𝒈𝒐. 𝑵𝒈𝒖𝒏𝒊𝒕 𝒂𝒏𝒈 𝒘𝒊𝒌𝒂𝒏𝒈 𝑭𝒊𝒍𝒊𝒑𝒊𝒏𝒐 𝒂𝒚 𝒉𝒊𝒏𝒅𝒊 𝒅𝒂𝒑𝒂𝒕 𝒎𝒂𝒘𝒂𝒘𝒂𝒍𝒂.
𝐏𝐚𝐧𝐚𝐧𝐚𝐥𝐢𝐭𝐚𝐧𝐠 𝐈𝐧𝐠𝐥𝐞𝐬
Mahalagang mag-aaral ang marunong magsalita ng Ingles para sa kanila. Maganda ito dahil madaling matutunan. Madaling i-mensahe at isulat.
Bukod riyan, nagmumukha daw silang bida ng klase kapag nasa asignaturang Ingles na ang pinag-uusapan. Nagiging komportable daw sila sa Ingles.
May mga Pilipino rin na mga bata na maagang nasanay sa Ingles. Sa katunayan nga may mga bata na nagsasalita gamit ang dayuhang salita.
𝐀𝐧𝐨 𝐍𝐠𝐚 𝐛𝐚 𝐀𝐧𝐠 𝐄𝐩𝐞𝐤𝐭𝐨 𝐍𝐢𝐭𝐨?
Nakakalungkot na isipin na may mga bata na hindi na marunong magsalita ng magagalang na salita. Tulad ng "opo at po".
Sa pamamagitan nito, mas nagiging madaling kalimutan ang sariling wika. Kahit simpleng salita ay kanibang nakakalimutan.
𝐖𝐢𝐤𝐚𝐧𝐠 𝐈𝐩𝐚𝐠𝐦𝐚𝐥𝐚𝐤𝐢
Gayun paman, may mga Pilipino pa ring gumagamit nito. Hindi pa rin nakakalimutan ang mga simpleng salita na nakasanayan o sariling salita.
Sa kabila ng lahat, dapat natin ipagmalaki ang ating wika. Huwag natin ito kalimutan. Ipagdiwang at pagyamanin natin ito para sa bagong henerasyon.
Ang wika ay hindi lamang isang salita,ito ay sumasalamin sa ating pagkakilanlan.
𝗗𝗮𝗵𝗶𝗹 𝗮𝘆𝗼𝗻 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝘀𝗮𝗯𝗶𝗵𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗺𝗯𝗮𝗻𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗯𝗮𝘆𝗮𝗻𝗶, 𝘿𝙧. 𝙅𝙤𝙨𝙚 𝙋𝙧𝙤𝙩𝙖𝙘𝙞𝙤 𝙍𝙞𝙯𝙖𝙡 𝙈𝙚𝙧𝙘𝙖𝙙𝙤 𝙔. 𝘼𝙡𝙤𝙣𝙨𝙤 𝙍𝙚𝙖𝙡𝙤𝙣𝙙𝙖, "𝘼𝙣𝙜 𝙝𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙢𝙖𝙧𝙪𝙣𝙤𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙜𝙢𝙖𝙝𝙖𝙡 𝙨𝙖 𝙨𝙖𝙧𝙞𝙡𝙞𝙣𝙜 𝙬𝙞𝙠𝙖 𝙖𝙮 𝙝𝙞𝙜𝙞𝙩 𝙥𝙖 𝙨𝙖 𝙝𝙖𝙮𝙤𝙥 𝙖𝙩 𝙢𝙖𝙡𝙖𝙣𝙨𝙖𝙣𝙜 𝙞𝙨𝙙𝙖". Sana, ang wikang Filipino ay ating mahalin, pahalagahan at wag Ika hiya. Kung kaya nating mahalin ang salitang ingles, gayundin ay kaya nating mahalin ang salitang Filipino na syang ating nakasanayan at natutunan sa murang edad. Ang wikang Filipino ay hindi lamang isang ''wika" kundi isang tatak ng ating pagka Pilipino at syang tumutulong sa atin na ipahayag ang ating opinyon, damdamin, hinanakit, kasiyahan, problema, solusyon, at ito rin ang tumutulong sa atin na magkaroon ng pagkakaisa at pagmamahalan.
(Kung si crush kaya mong mahalin,sana ang wika rin )
📱: Arif S. Makakena
📝: Arif S. Makakena/MC