14/07/2026
Kitakits!
Magkita-kita tayo sa 6200 Book Fest sa Filinvest Mall, Dumaguete City ngayong 17–19 Hulyo 2026!
Bukod sa aming mga aklat pambata, nasa booth din namin ang mga zine, libro, at iba pang publikasyon mula sa Mindanao. Likha ang mga ito ng Papel-Papel PH Publishing OPC, Babaylan Zines, Sarangani Writers League, Dadiangas Writers Society, Aklat Mirasol, Nagkahiusang Magsusulat sa Cagayan de Oro, at Southern Voices Printing Press.
Naging posible ang partisipasyon namin dahil sa grant mula sa National Book Development Board - Philippines.