14/06/2026
ππππππππππ ππππππ, ππππππππππ ππ ππππππππ πππ ππ,πππ π
π ππππππ ππ ππππ ππ πππππ
MATAGUMPAY na muling narating ng pinoy Mindanao Big Bikers Elite ang Umling La Pass sa India, ang kinikilalang pinakamataas na motorable highway sa mundo na may taas na 19,024 talampakan mula sa antas ng dagat.
Kabilang sa mga lumahok sa makasaysayang paglalakbay si Senator Ninoy Aquino, Sultan Kudarat Mayor Randy Ecija Jr., kasama ang iba pang miyembro ng grupo sa kanilang ikalawang pagsabak sa Himalayan Expedition.
Sa loob ng walong araw na paglalakbay, hinarap ng mga rider ang matitinding hamon tulad ng pag-ulan, pag-ulan ng niyebe, matinding lamig, at madudulas na kalsadang natatakpan ng snow.
Sa kabila nito, matagumpay nilang naabot ang Umling La Pass, na may taas na halos tatlong beses ng Mount Apo, ang pinakamataas na bundok sa Pilipinas.
Ayon kay dating Mayor Randy Ecija Jr, ang ekspedisyon ay hindi lamang pagsubok sa tibay ng kanilang mga motorsiklo kundi pati na rin sa kanilang determinasyon, disiplina, at katatagan sa harap ng matitinding kondisyon ng kalikasan.
Dagdag pa ni Mayor Ecija na isang karangalan ang maging bahagi ng naturang ekspedisyon at maitaas ang bandera ng Pilipinas sa isa sa mga pinakamataas na daanang maaaring marating ng motorsiklo sa buong mundo.
Matapos ang walong araw na paglalakbay sa kabundukan ng Himalayas, matagumpay na naisakatuparan ng Mindanao Big Bikers Elite ang kanilang misyon at muling naitala ang isa pang kahanga-hangang tagumpay para sa mga Pilipinong adventure riders.
Photo courtesy | Randy Ecija Jr.