15/08/2026
Noong 90’s, hindi kailangan ng “DM” para manligaw… ✉️❤️
Isang papel, ballpen, konting glitters, at pabangong ilang beses ini-spray bago tiklupin. 😅
Tapos buong araw kang kakabahan habang iniisip kung tatanggapin ba niya o ibabalik sa’yo ang sulat. 😂🥹
Walang seen zone. Walang heart react. Walang chat.
Pero bawat salita, pinag-isipan… at bawat pabango, may kasamang pag-asa. ❤️
“Kung may makakabasa man nito ngayon, baka maalala niya rin ang unang liham na nagpakilig sa kanya.” 💌