26/08/2026
57th Regular Session | Ikalimang Sangguniang Panlungsod
Tayo po ay dumalo sa ika-57 sesyon ng Ikalimang Sangguniang Panlungsod bilang pakikiisa sa mga talakayan at usaping may kaugnayan sa kapakanan at patuloy na pag-unlad ng ating lungsod.
Sa bawat sesyon, mahalaga ang maayos na talakayan, pakikinig, at pagtutulungan ng mga lingkod-bayan upang makabuo ng mga desisyong makatutugon sa pangangailangan ng ating mga kababayan. Patuloy po tayong nakikiisa sa responsableng paglilingkod para sa isang mas maayos at progresibong General Trias.