15/05/2025
Paunawa sa mga susunod kong post. Dumating na ako sa sukdulan. Sa mga magtatanong at magrereact hindi eto ang tamang forum para dto. Opo, alam namin pero minsan sa power ng social media tayo nakakakuha ng hustisya na naipagkakait dahil na rin sa mabagal na sistema sa atin. Idaan sa legal na proseso? Matagal na namin dinadaan sa tama at legal na proseso. 10 taon na namin sinampa ang civil case pero hanggang ngayon wala pa nangyayari. Dahil sa mabagal na pagusad ng justice system. Sa 10 taon ng paghihintay, kaming mga legal at may karapatan ang nawawalan. Kami ang lubog sa utang at nagtitiis sa buhay. Samantalang yong taong nakagawa ng mali, nagbubuhay reyna at tumatamasa ng karangyaan. Nasan ang hustisya?
Matagal ko tong pinagisipan, sa 10 taon imbes na magpakumbaba ka at itama mga mali mo, mas lalo mo pa dinagdagan kasalanan mo. Posting din para sa awareness na din ng mga taong mabibiktima pa. Sa mga napagbentahan ng mga ari-arian at mabebentahan pa ng properties ng pamilya Estrella sa Cavite lalo na pag ang katransaction niyo ang mapagpanggap na umaangkin ng Villa Estrella Resort Cavite (Verna Estrella Resort na ngayon) or ng mga alipores niya, Magdouble check or triple check kayo sa legalidad ng mga documents. Dahil ultimo sa RD napapalusot niya.
Nakaipon na ako ng sapat na mga ebidensya. Sa panahon ngayon, dapat may RESIBO ka.
10 taon, sapat na yon para sa pagtitimpi at pananahimik. Abangan ang buong kwento.
(ctto goggle)