20/03/2024
Fourth adventure for 2024 (March 16-17, 2024)
Sitio Kanlungan Alfonso, Cavite
REVIEW:
1. Best part: Malinis na batis. Ang linaw ng tubig with matching water massage. Need nga lang bumaba ng matarik na trek, as in matarik. Hehe. It was a short one though, mga 5mins. Worth it.
2. They only accommodate one group per schedule, so exclusive. Secured ang area kasi may bakod. May bubong din ang parking pero hindi pwede itabi ang sasakyan sa tents.
3. The place has a kubo accommodation na pinahiram na rin free sa amin. It can accommodate mga 4 na tao din. May malaking puno din sa campsite to provide shade anytime of the day.
4. May poso sa campsite as source of water. Kaso amoy kalawang. Walang lababo pero keri na rin maghugas straight dun sa poso.
5. Pwede rin pong magpabili sa caretaker ng drinking water.
6. Walang electricity pero may solar-powered lights.
7. May konting rough, mga 100meters. Pero kayang-kaya kahit sedan.
BUDGET:
1. Entrance fee: 150php per adult. 100php naman for kids (2-7 yrs old)
2. Tent pitching: 150php per tent (any size)
3. Gas: As usual, nagpakarga lang kaming 1000php, sobra pa since galing lang naman kami ng Gentri.
4. Food: bahala na kayo dyan! Hahaha.