11/09/2025
Mark of the Beast
Mula pa noong 2015, nagsimula ang Swedish startup na Biohax International sa paglalagay ng maliliit na RFID/NFC chips (kasinglaki lang ng butil ng bigas) sa kamay ng tao. Pagsapit ng 2019, mahigit 4,000 Swedes na ang gumagamit nito para mag-unlock ng pinto, sumakay ng tren, mag-store ng ID, at kahit pambayad.
Sinubukan na ito ng ilang kumpanya at ng mismong state railway ng Sweden. Ipinapakita nito ang kaginhawaan ng teknolohiya—pero kasabay din ang debate tungkol sa pagsasanib ng katawan ng tao at digital tech.