Gugma Ko

Gugma Ko Surviving grief💔
A journey of love, loss and survival. Life after losing my One Great Love. Mga kwento sa likod ng mga tawa at ngiti.
(6)

Morning RunGood morning.  Tumakbo ako ngayon. Hindi para tumakas sa sakit...  para salubungin yung araw nang may pag-asa...
03/06/2026

Morning Run

Good morning.
Tumakbo ako ngayon. Hindi para tumakas sa sakit...
para salubungin yung araw nang may pag-asa.

Kape muna. Hinga muna.
One day at a time. Laban ulit.

Lord, I’m Still Hurting  Gabi na naman, Lord. 🌙🤍  Maghapon kong kinaya. Pero ngayong tahimik na, sumisikip ulit dibdib k...
03/06/2026

Lord, I’m Still Hurting

Gabi na naman, Lord. 🌙🤍

Maghapon kong kinaya. Pero ngayong tahimik na, sumisikip ulit dibdib ko.

Prayer:
Lord, totoo pa rin yung sakit.
Hindi nawala kahit ngumiti ako kanina.
Hindi gumaling kahit busy ako maghapon.

Pero salamat kasi hindi Mo ko hinuhusgahan dahil nasasaktan pa rin ako.
Salamat kasi kahit mahina ako ngayon, hindi Mo ko binitawan.

Hawakan Mo ko ngayong gabi, Lord.
Kunin Mo yung pag-aalala ko sa taong hindi ko na kontrolado.
Palitan Mo ng kapayapaan kahit hindi ko pa naiintindihan lahat.

Pagod na puso ko, Lord. Patulugin Mo ko sa yakap Mo. Amen. 🙏

To you na nahihirapan matulog dahil sa bigat:
Hindi ka nag-iisa. Yakap ka ni Lord ngayong gabi.

He Sees The Weight I Carry  Good morning, Abba Father. ☀️🤍  Gising na naman ako, Lord. Pero mabigat pa rin yung dibdib k...
01/06/2026

He Sees The Weight I Carry

Good morning, Abba Father. ☀️🤍

Gising na naman ako, Lord. Pero mabigat pa rin yung dibdib ko.
Hindi ko na alam kung anong isasagot ko sa tanong ng puso ko.

Prayer:
Lord, pagod na ako magpakatatag.
Pagod na ako magkunwaring "okay lang".
Ikaw na bahala ngayong umaga. Buhatin Mo ko.

Alam Mo yung taong iniaalala ko pa rin kahit nasasaktan ako.
Alam Mo yung takot ko, yung pag-aalala ko, yung "paano na siya".
Kung hindi ko na kayang ipagkatiwala sa iba, sa’Yo ko ipagkakatiwala.

Turuan Mo akong magpahinga sa’Yo, Lord.
Isang hinga, isang dasal, isang araw at a time.
Ikaw na bahala sa puso ko ngayon. Amen. 🙏

To you na mabigat din paggising: God sees it. Psalm 55:22
Ipagkatiwala mo sa Kanya.

Simple Lang Ako, Lord  Gabi na naman, Lord. 🌙🤍  Simple lang ako.  Mabait lang. Totoo lang. Nagmahal lang ng buo.  Hindi ...
01/06/2026

Simple Lang Ako, Lord

Gabi na naman, Lord. 🌙🤍

Simple lang ako.
Mabait lang. Totoo lang. Nagmahal lang ng buo.
Hindi naman ako mahirap mahalin, di ba?

Prayer:
Lord, bakit ako nasasaktan ng ganito?
Yung tipong binigay ko na lahat, pero ako pa rin yung naiwan sa tanong.
Yung tipong wala akong ginawang masama, pero ako pa rin yung may sugat.

Pagod na ako magtanong, Lord.
Pero ikaw lang yung tinatakbuhan ko ngayon.
Kung simple lang ako sa paningin ng iba, sana sapat ako sa paningin Mo.
Kung hindi nila na-appreciate yung "totoo" ko, sana Ikaw pa rin yung nagkakarga sa’kin.

Hawakan Mo ako ngayong gabi, Lord.
Pagpahingahin Mo yung puso kong pagod magpaliwanag at magpatunay.
Ako na to. Simple. Mabait. Totoo.
At kung sapat ako sa’Yo, Lord... sapat na rin yun para sa’kin. Amen. 🙏

To you na nagtatanong din ngayon ng "bakit ako?":
Hindi ka mahirap mahalin.
May taong hindi lang marunong magmahal ng tama.
At si Lord? Marunong Siya. At mahal ka Niya ng buo.

When The Heart Still Hurts  Good morning, Abba Father. ☀️🤍  Ginising Mo na naman ako ngayon.  Salamat kasi kahit mabigat...
31/05/2026

When The Heart Still Hurts

Good morning, Abba Father. ☀️🤍

Ginising Mo na naman ako ngayon.
Salamat kasi kahit mabigat yung dibdib ko, hindi Mo ako pinabayaan sa dilim.

Prayer:
Lord, You know everything. Alam Mo yung sakit na dala ko ngayong umaga.
Alam Mo yung 5 araw na katahimikan. Alam Mo yung pagmamahal na hindi bumalik.

Pagod na pagod na ako, Lord.
Pero dito pa rin ako, lumalapit sa’Yo.
Hawakan Mo yung kamay ko sa mga oras na gusto kong sumuko.
Turuan Mo akong magtiwala sa’Yo, kahit wala akong kasagutan.

Pagalingin Mo yung puso kong nagmahal ng totoo.
Hindi ko hinihiling na burahin Mo yung alaala.
Hinihiling ko lang: bigyan Mo ako ng kapayapaan sa gitna ng sakit.
Palitan Mo yung "bakit ako" ng "andito Ka".

Ikaw na bahala sa’kin ngayong araw, Lord.
Isang oras, isang minuto, isang hinga at a time. Amen. 🙏

To anyone waking up with a heavy heart today:
God sees the tears you hide. Psalm 56:8
Hindi ka nag-iisa sa sakit mo.

30/05/2026

New Morning, New Mercy

Good morning, Lord. ☀️🤍

Salamat sa panibagong umaga.
Salamat kasi kahit mabigat kagabi, ginising Mo pa rin ako.

Prayer:
Lord, salubungin Mo ako ngayong araw.
Hawakan Mo yung kamay ko sa mga oras na gusto kong bumitaw.
Pagpahingahin Mo yung puso kong pagod sa kakaisip at kakaalala.
Turuan Mo akong magtiwala sa timing Mo, kahit tahimik lahat sa paligid ko.
Palitan Mo yung takot ko ng kapayapaan. Yung panghihina ko, gawin Mong lakas.

Hindi ko alam yung sagot sa mga tanong ko, Lord.
Pero alam ko kung Sino ang hawak ng lahat ng sagot.
Kaya sa’Yo ko to iiwan ngayong umaga.

Ikaw na bahala sa akin. In Jesus’ name, Amen. 🙏

To anyone waking up heavy today:
New morning = new mercy. Lamentations 3:22-23
Hindi ka naiwan. Hindi ka nakalimutan.

26/05/2026

ONE DAY AT A TIME
Good morning, Lord.☀️

Hindi ko alam kung ano ang dala ng araw na ito.
Pero alam ko, nandiyan Ka.

Salamat sa hininga.
Salamat sa isa pang pagkakataon na bumangon.
Salamat na hindi Mo ako iniwan kahit mabigat kahapon.

*Prayer:*
Lord, hawakan Mo ang puso ko ngayon.
Kapag malakas ako, gamitin Mo ako.
Kapag mahina ako, buhatin Mo ako.
Turuan Mo akong magtiwala sa oras Mo.
Turuan Mo akong magpasalamat sa maliit na bagay.
At turuan Mo akong magmahal nang hindi natatakot masaktan.

Patawarin Mo ako sa mga pag-aalala ko na sinubukan kong kontrolin.
Ngayon, binibigay ko na ulit lahat Sayo.

Bless the day. Bless the people reading this.
In Jesus’ name, Amen. 🤍

Good morning sa lahat ng lumalaban nang tahimik.
Kaya mo yan. Hindi ka nag-iisa.

Dumating sa tamang oras, umalis din sa tamang oras. May mga taong dumating nung kailangan ko ng kasama.  At kung aalis s...
25/05/2026

Dumating sa tamang oras, umalis din sa tamang oras.

May mga taong dumating nung kailangan ko ng kasama.
At kung aalis sila, alam ko—sa tamang oras din yun.

Hindi lahat ng tao mananatili.
Pero lahat ng nangyayari, may dahilan.
May dumadating para magturo.
May umaalis para magtulak sa'yo na lumakad mag-isa.

Kaya hindi ako galit.
Hindi ako takot.
Kasi alam ko, si Lord ang may hawak ng oras.

*Prayer:*
Lord, salamat sa mga taong ipinadala Mo sa tamang oras.
Salamat din sa mga taong kinuha Mo sa tamang oras.
Masakit man, nagtitiwala ako na mas alam Mo ang mabuti para sa akin.
Hawakan Mo ang puso ko ngayong araw.
Turuan Mo akong magpasalamat sa dumating,
at magbitaw nang payapa sa aalis.
Sayo ako magtiwala. Sayo ako magpahinga.
Amen. 🤍

Good morning sa lahat ng naghihintay at nagbibitiw.
Hindi ka late. Hindi ka maaga.
Tama ka. Sa oras ni Lord.

24/05/2026

NEW DAY. NEW WEEK.
HIS GRACE.

Good morning, Lord.☀️

Thank You for this new day.
Thank You for this new week.

I don’t know what’s ahead,
but I know You’re with me.
Hold my hands today.
Steady my heart.
Give me strength for what I cannot change,
and courage for what I must face.

Wash away yesterday’s worries.
Fill this week with Your peace.
Let me walk in faith, not fear.
Let me choose love, not bitterness.
Let me remember: I am not alone.

Bless my family.
Bless everyone reading this.
Start something new in us this week, Lord.

In Jesus’ name, Amen. 🤍

Good morning sa lahat.
Kaya natin to...

HE GAVE ME REST  Good morning. ☀️  God pulled me out of a hard situation and gave me rest.  Hindi ko kayang iligtas sari...
23/05/2026

HE GAVE ME REST

Good morning. ☀️

God pulled me out of a hard situation and gave me rest.

Hindi ko kayang iligtas sarili ko.
Pero Siya, ginawa Niya.
Ngayon, humihinga ako nang maluwag.
Ngayon, may tulog ako na payapa.
Ngayon, may pag-asa ulit ako.

Kung pagod ka ngayon,
alam mo ba?
Hindi mo kailangang buhatin lahat mag-isa.
Lumapit ka sa Kanya.
Siya ang nagpapahinga.

Good morning sa lahat ng kakaahon lang sa mabigat.
Magpahinga ka.
Karapat-dapat ka dyan. 🤍

Address

Pitogo
Makati

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Gugma Ko posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share