08/11/2025
Ganon pala pag mommy ka na, no?
Hindi na mahalaga kung paano mo ise-celebrate ang birthday mo — basta kasama mo ang pamilya mo, sapat na. 💛
Ngayong taon, sobrang pasasalamat ko sa Panginoon dahil pangalawang birthday ko na itong kasama si Roro. 🎂
Kahit wala si mister ngayon, ramdam pa rin namin ang pagmamahal at presensya niya kahit malayo. Iba talaga kapag wala si daddy, pero salamat sa sakripisyo at pagmamahal mo, Daddy Jasper — never mong pinaramdam na di mo kami iniisip. 🙏
Alam niyo mga mommies, habang tumatanda tayo, mas nare-realize natin na hindi tungkol sa bonggang handaan o regalo ang birthdays.
Tungkol ito sa grace ni Lord — sa kalakasan na ibinibigay Niya araw-araw, sa wisdom na dumarating habang pinapalaki natin ang mga anak natin, at sa peace na kahit pagod ka, alam mong may purpose ang lahat. 🌷
Being a full-time mom isn’t easy — lalo na kung OFW si daddy. Pero bawat ngiti, bawat yakap, bawat "I love you, Mommy" ng anak mo, sapat na para maramdaman mong worth it lahat ng pagod. 💕
Kaya sa lahat ng mommies na tulad ko —
May eyebags man o walang tulog, may hawak mang toddler o labada, may asawa mang nasa malayo —
You are doing amazing.
You are aging with grace, with love, and with the strength that only comes from God. ✨
Happy birthday to me, and to every mom who continues to love, serve, and grow beautifully in God’s grace. 💖
— Mommy Riz | Life with Roro