24/09/2026
OPISYAL NG TRANSPORT AGENCY TINANGKANG KIKILAN NG MASAHISTA, ARESTADO
P100,000 umano ang unang naibigay ng isang government official sa suspek bago ito muling humingi ng P150,000.
Ayon sa NBI, ipinakilala umano ng massage therapist sa biktima ang isang kaibigan na diumano’y menor de edad, bagama’t hindi kumpirmado ang edad nito.
Kalaunan, ginamit umano ng suspek ang account ng menor de edad upang pagbantaan ang biktima na ikalat online ang diumano’y sensitibong video nila at ipadala ito sa asawa ng biktima.
Sa imbestigasyon, natukoy na ang massage therapist umano mismo ang nasa likod ng account.
Naaresto siya ng NBI sa Quezon City nitong September 23 at nahaharap sa reklamong Robbery with Extortion in relation to the Cybercrime Prevention Act.