20/06/2025
Sabi nila kaya maraming mag asawa ang naghihiwalay pag nagka anak na dahil.....
Una, maraming asawang lalaki ngayon ang hindi naiintindihan ang pinagdadaanan ng isang ina. (Mentally, physicaly, emotionally, during pregnancy and postpartum)
Pangalawa, akala nila laging galit, akala nila laging nag iinarte pero hindi nila alam yung sakripisyo at pagtitiis wag lang maapektuhan yung mga anak.
Pangatlo, komunikasyon. Karamihan sa mag asawa, pag nagkakaroon ng anak nawawala na ang komunikasyon.
Pag may problema, pag usapan wag takbuhan. Huwag ikwento sa pamilya o sa barkada dahil minsan sila ang nakakasira sa pamilyang binuo niyo. Kayong mag asawa ang dapat na mag aayos ng problema niyo. Hindi ang pamilya niyo, hindi ang barkada niyo.
Sa mga mister diyan, intindihin niyo po ang mga misis niyo.
Hindi biro ang pagbubuntis lalo na ang panganganak, halos kalahati ng buhay ng mga babae nasa hukay na dahil sa pagbubuntis at panganganak. Sinakrispisyo nila yung magandang katawan, career at magandang buhay nila para mabigyan kayo ng mga supling. matutong ma appreciate ang lyung asawa.
Kudos sa mga nanay na handang mag sakripisyo ng sariling buhay para sa ikabubuti ng pamilya! Kayo ang tunay na bayani, NANAY π€π«ΆπΌ
ctto.