01/03/2026
NOTICE THIS!!!
KAYA LINISIN AGAD KAPAG MAY NAKITANG MOLD ,DELIKADO ETO!!!
💔😭..batang 8yrs old pumanaw dahil sa mold.
Ayon sa ina ng bata matagal ng may mga mold sa pader at kisame ng kanilang bahay pero binabalewala lang daw nila ito hanggang sa nangyari na nga ang hindi inaasahan na ang kanyang anak ay inatake ng asthma nahirapan ito huminga hanggang hindi na ito kinaya at doon nabawian na ito ng buhay.💔
ang sakit ay hindi lang sa labas nanggagaling, at posibleng may nagbabadya ring health risk sa loob ng bahay.
Kabilang dito ang molds o amag na malapulbos ang texture at puti o abo ang kulay.
Nakikita sila sa pader at kisame, pati na rin sa mga siwang sa pagitan ng mga tiles tuwing tag-ulan.
Damay din ang furniture, appliances, at kahit pagkain.
Hindi dapat balewalain ang mga molds dahil naglalabas sila ng spores sa hangin na posibleng malanghap at pumasok sa katawan ng tao.
Iba-iba ang mga sakit na maaaring idulot nito.
Puwede itong mag-trigger ng allergy at asthma attack.
Maaari rin itong maging cause ng ubo, sipon, at iba pang mga respiratory diseases.
At kapag naidikit sa balat, puwede rin itong magdulot ng skin diseases.
Ayon pa kay Dr. Mirasol Aboga-Pacheco sa Pinoy MD interview niya noong 2023, maaari itong maging sanhi ng pangangati ng lalamunan, mata, at ilong, hirap sa paghinga, at rashes.
Higit sa lahat, prone sa malaking risk ang mga bata at matatanda, lalong-lalo na iyong mga immunocompromised o iyong may mahihinang resistensiya.
“Sila yung mga pinakadelikado dahil kapag nakalanghap sila ng mga molds or amag, lalo na yung mga pathogenic o toxigenic, maaari itong magdulot ng fungal lung infection,” ani Dr. Pacheco.
Molds are a type of fungus that grow in moist environments. They can cause respiratory issues.