02/08/2026
ππΌ
ππππ‘ πππ, πππ π‘βπ ππ’π π‘ ππ π¦ππ’π ππππ
Ngayon ang simula ng buwan ng August, ang ikawalong buwan sa kalendaryong Gregorian at Julian. Ang August ay ang ikalimang buwan sa pitong mga buwan na may 31 araw.
Bago pa mang tawaging August, tinawag muna itong 'Sextilis' sa lumang kalendaryong Romano. Ang Sextilis ang ikaanim na buwan sa ten-month calendar ng sinaunang Romano na nagsisimula sa buwan ng March. Naging ikawalong buwan ang August nang idinagdag ang mga buwan ng January at February bago ang March noong 700 B.C. sa ilalim ni King Numa Pompilius. Binubuo lamang ng 28 na araw ang August noon bago ito dagdagan ng dalawa pang araw ni Julius Caesar sa kanyang Julian calendar noong 46 B.C. Ipinangalan ng Roman Senate ang buwan ng August mula kay Roman Emperor Augustus Caesar.
Sa Pilipinas, ang buwan ng Agosto ay ang History Month, National Census Month, at Buwan ng Wikang Pambansa. Sa buwan din ng August ginugunita ang anibersaryo ng kapanganakan nina dating Pangulong Manuel L. Quezon, Pangulong Ramon Magsaysay, National Artist Fernando Poe Jr., at propagandistang si Marcelo H. del Pilar, maging ang anibersaryo ng kamatayan nina dating Pangulong Cory Aquino, dating DILG Secretary Jesse Robredo, ina ni Rizal na si Dona Teodora Alonzo, at dating Sen. Ninoy Aquino. Sa buwan din ng August naganap ang makasaysayang βSigaw sa Pugad Lawinβ, dahilan kung bakit ginugunita tuwing Agosto ang National Heroesβ Day.
Salubungin natin ang buwan ng Agosto nang may galak at pag-asa.