Emosyon Keeper

Emosyon Keeper The Emosyon Keeper is a Quotes from the wisest people who ever lived on earth.

21/02/2026

Sa likod ng salitang "Kaya ko mag isa" minsan kailangan ko ng taong kausap tungkol sa masasamang nangyari sa araw ko.🥲

21/02/2026

sa palihim na tumatraydor sakin, asahan mong palihim din kitang tatablahin

21/02/2026

Sa mundong
hindi na malaman
kung sino'ng tunay
at kakampi...

Hindi sa lahat ng oras
ay kailangan mong magpaliwanag—
dahil may mga laban
na ikaw lang
ang nakakaalam
at nakakaintindi.

Hayaan mong
malunod sila
sa sarili nilang salita.

Pwede kang makinig,
pero
‘di mo kailangan magpaliwanag
sa mga taong
bulag sa tama
at nakikita lamang
ay mali.

21/02/2026

Hindi ako galit.
Ako’y napagod lamang
sa patuloy na pag-unawa
sa mga taong
hindi kailanman nagsikap
na ako’y maunawaan.

Tahimik akong nagtimpi,
nagbigay daan,
nagsikap umintindi
kahit ako’y hindi naiintindihan.

Hindi ito galit,
kundi pagod —
pagod ng pusong
laging nagpapasensya
sa harap ng katahimikan
at kawalan ng pag-unawa.

Kaya pinili kong manahimik —
hindi upang lumayo,
kundi upang alagaan
ang sarili kong
matagal nang napapabayaan.

21/02/2026

Imbes na gumanti,
dumistansya na lang ako—
hindi dahil mahina,
kundi dahil sawa na sa gulo.

Hindi ko kailangang patunayan
kung sino ang tama o mali.
Sa katahimikan ko
nandun ang sagot na hindi mo
maririnig sa sigawan

Mas pinili kong lumayo
sa mga taong marunong lang magmahal
kapag may pakinabang.
at nananakit kapag hindi na
ako kailangan.

Hindi ako nagbago—
natuto lang akong pahalagahan
ang sarili kong kapayapaan.

21/02/2026

Palagi mong tandaan—
mahirap magpakatao
sa mundong
puno ng hurado.

Lahat sila may opinyon,
kahit di ka naman nila kilala.
May hatol agad,
kahit wala pang kwento,
wala pang paliwanag,
wala pang totoo.

Pero hayaan mo—
hayaan mong husgahan ka nila
dahil totoo ka.
Dahil pinili mong maging ikaw,
hindi 'yung gusto lang nilang makita.

Dahil mas mabigat ang konsensyang
nakasuot ng maskara,
kaysa sa loob na payapa
kahit puno ng mantsa.

Kaya kahit masakit,
kahit mag-isa,
ipagpatuloy mong maging
totoo—
dahil ‘yon ang tapang
na hindi kayang sukatin
ng kahit anong husga.

21/02/2026

Tila minahal na ako ng pagkadismaya.
Madalas din maging paboritong bigyan
ng sama ng loob ng iba.
Maging ang aking sarili ay kadalasang pinagmumulan ng sariling sakit.

Sa totoo lang, hindi ko na masukat
ang pagod na aking dinadala,
gayundin ang lungkot na
matagal ko nang pasan.
Nais ko sanang, kahit minsan,
ay pumabor sa akin ang mundo
na sa gitna ng matinding pagod
at pangungulila,
ay ako naman ang panigan nito.

Sana sa susunod na ikot,
Ako naman ang paboran
Ako naman ang panigan ng mundo.

Ang pinakamasakit,
yung malaman mong
kaunti na lang sana.

Hawak na natin lahat
pag-ibig,
mga pangarap,
at mga sandaling parang
di na matatapos.

Pero sa gitna ng lahat,
may bagay na kumawala.
May nasira,
may nawala,
at hindi na natin nabawi pa.

At ngayon,
tayo’y dalawa na lang muli
hindi bilang tayo"
kundi bilang ikaw at ako"
na may dalang alaala
ng halos naging atin.

21/02/2026

Ginawa mo yung best mo. At hindi yun failure kahit hindi umayon sa’yo ang resulta ng nangyari. Lumaban ka at ibinigay kung anong meron ka, dun pa lang panalo ka na.

21/02/2026

Totoo pala yung “Tell none until it’s done.”

Simula nung na-realize ko ’to, hindi na ako madaldal sa social media. Gusto ko, magugulat na lang sila—hindi para may patunayan, kundi para makita nila si Lord sa resulta.

21/02/2026

Ako marahil ang pinakamasayang malungkot
na taong makikilala mo sa buong buhay mo.
Laging may ngiti, laging may tawa,
pero sa loob ko'y unos na walang humpay.

Sanay na akong magpanggap —
na ayos lang, na masaya ako,
kahit gabi-gabi akong hinahabol
ng mga tanong na wala namang sagot.

Ako yung tipong nagpapatawa ng iba,
pero hindi marunong humingi ng tulong.
Yung palaging nandyan para sa lahat,
pero walang may alam kung gaano
ako kawasak.

Masaya ako sa paningin nila —
pero sa mata ko, ako’y pagod na,
bitbit ang bigat na hindi kayang unawain
ng kahit sinong bihasa sa pagdamay.

Kaya kung makilala mo man ako,
ngumiti ka rin —
baka sakaling kahit sandali,
makalimutan kong malungkot ako.

21/02/2026

Kahit simpleng relasyon lang,
Yung walang sobra, pero sapat,
Yung tipong ikaw at ako lang,
pero buo sa pangarap.

Hindi kailangan ng magagarbong bagay,
basta magkasama sa bawat hakbang —
parehas ang direksyon,
parehas ang pananaw sa buhay.
suportahan lang,
tahimik pero matibay na sandigan.

Kung ganun ka simple,
at ganun ka totoo,
Sobrang panalo na ‘yun,

21/02/2026

Sa totoo lang,
ang pangunahing prayoridad ko ngayon
ay ayusin ang takbo ng buhay ko
at maging mas mabuting bersyon ng sarili ko.

Wala na akong pakialam
kung sino ang mananatili
at kung sino ang aalis —
dahil ang yugto ng buhay kong ito
ay para na sa akin.

Address

Guimba
3115

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Emosyon Keeper posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category