24/09/2025
๐๐๐๐๐๐๐ | ๐๐๐๐, ๐๐ข๐ง๐๐ง๐ ๐ฎ๐ง๐๐ก๐๐ง ๐๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐๐ฐ๐๐ค๐๐ง๐ ๐
๐ข๐ซ๐ฌ๐ญ ๐๐ข๐ ๐๐ญ ๐๐ข๐๐ ๐๐ฎ๐ฉ๐ฉ๐จ๐ซ๐ญ ๐๐ซ๐๐ข๐ง๐ข๐ง๐ ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐ฎ๐ซ๐จ
Bilang tugon sa pangangailangan ng kahandaan sa sakuna at aksidente, isinagawa ng Guiuan National High School (GNHS) ang dalawang-araw na Standard First Aid at Basic Life Support Training para sa mga LDN at g**o ng first aid nitong Setyembre 23โ24, 2025 sa GNHS Covered Court.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng Bureau of Fire Protection (BFP) na nagsilbing tagapagsanay sa serye ng mga sesyon. Layunin nitong bigyan ng sapat na kasanayan ang mga g**o upang maging epektibong unang rumesponde sa oras ng emerhensiya.
Sa kanyang pambungad na pahayag, sinabi ni Dr. Joel B. Del Valle, PhD, School Principal IV ng GNHS, na hindi sapat ang kaalaman lamang sa pagtuturo, mahalaga rin ang kahandaan sa mga hindi inaasahang sitwasyon. โIsinagawa ang pagsasanay na ito upang maging handa ang ating mga g**o at mag-aaral sa oras ng sakuna,โ ani Del Valle.
Sa isang lalawigang tulad ng Eastern Samar na madalas tamaan ng kalamidad, higit na naging makahulugan ang pagsasanay na ito. Isa itong kongkretong hakbang ng GNHS upang matiyak na ang mga g**o ay handa hindi lamang sa pagtuturo, kundi maging katuwang din sa pagliligtas ng buhay sa oras ng pangangailangan.
โ๏ธMary Antonette Gagarin
๐ทAlisha Khayri Duran | Lily Florvane Hope Eclipse
๐ปDaniel James Necosia