12/04/2026
Isa sa mga destinasyon namin sa Byaheng Hagonoy ay ang National Shrine ng Sta. Ana 🙏🏻
National Shrine and Parish of St. Anne | Museo ng Hagonoy
📍J.P. Rizal St., Barangay Santo Niño, Poblacion, Hagonoy, Bulacan 3002
Itinayo ang simbahan noon pang 1500s, kaya bawat sulok nito ay may sariling kwento.
Dahil malapit na ang Semana Santa noong bumisita kami, napansin namin na tinatakpan na ang mga imahe. Parte pala ito ng tinatawag na ‘fasting of the eyes’, isang paraan ng pagninilay at pakikiisa sa sakripisyo ng Panginoon. Simple lang, pero may malalim na kahulugan.
Nakita rin namin ang iba’t ibang bestiduras ng Mahal na Birhen at Sta. Ana. Nakakamangha dahil handmade ang mga ito at may Spanish embroidery, bawat tahi ay may kasamang dasal.
Ang Museo Parroquia naman ay naglalaman ng mahahalagang bagay na nagsisilbing tahimik na saksi sa pag-unlad ng parokya. Makikita dito ang mga antigong kalis, mga lumang tala tulad ng Entierro at Bautizados, pati na rin ang mga lumang estola.
Nakatago rin dito ang isang talaan mula pa noong 1800s na nagrerecord ng orihinal na imahe ni Santa Ana at La Niña Maria ng Hagonoy, na ginawa noong panahon ni Fray Manuel Alvarez, O.S.A noong 1841.
Dito rin sa museo makikita ang isang painting na ibang anggulo ng “The Last Supper”.
Ang Simbahan ng Sta. Ana ay hindi lang basta lugar ng pagsamba, isa rin itong buhay na kwento ng pananampalataya at kultura ng Hagonoy 💙
Follow:
FBpage: https://www.facebook.com/eatsRMG?mibextid=LQQJ4d
IG: eatsRMG
Tiktok: eatsRMG