31/03/2026
๐๐๐๐๐ ๐๐ค๐จ, ๐๐ข๐ง๐๐ข ๐๐๐๐๐ ๐ฅ๐๐ง๐
Sa bawat pag-ikot ng kalendaryo tuwing Marso, ginugunita ng mundo ang Buwan ng Kababaihanโisang panahon ng pagkilala, paggalang, at pagninilay sa papel na ginampanan at patuloy na ginagampanan ng mga babae sa lipunan. Ngunit higit pa sa isang pagdiriwang, ito ay isang paalala na ang babae ay hindi babae lang.
Sa kasaysayan, ang babae ay ikinulong sa makitid na kahulugan. Siya raw ay dapat tahimik, mahinahon, at manatili sa anino ng mga tagumpay ng kalalakihan. Ngunit sa bawat pagtatangkang siyaโy gawing anino, lalo lamang nagliyab ang kanyang liwanag. Sapagkat ang babae ay hindi lamang larawan ng gandaโsiya ay larawan ng katatagan.
Ang babae ay may taglay na lakas na hindi basta-basta nasusukat. Siya ang ina na nagpapaka-pagod upang itaguyod ang pangarap ng pamilya. Siya ang estudyanteng nag-aaral sa ilalim ng ilaw ng pag-asa kahit pagod na ang katawan. Siya ay isang katipuno na buong dangal na lumalaban para sa kinabukasan. Sa bawat papel na kanyang ginagampanan, ipinapakita niyang ang pagiging babae ay hindi limitasyonโito ay kapangyarihan. At ang babae ay higit pa sa kanilang pagkakaalam
Sa kabilang dako, may mga pagkakataong ang kababaihan ay hinusgahan, minamaliit, o pinagdududahan ang kakayahan. May mga pintuang minsang isinara sa kanila dahil lamang sa kanilang kasarian.
Gayunpaman, ang tunay na diwa ng Buwan ng Kababaihan ay hindi lamang pagkilala sa kanilang pagkakakilanlan, kundi ang patuloy na pagsusulong ng pagkakapantay-pantay at paggalang. Ito ay paalala na ang bawat babaeโanumang edad, estado sa buhay, o pangarapโay may halaga at may tinig na nararapat pakinggan.
Ang babae ay hindi babae lang. Siya ay lakas sa gitna ng pagsubok, liwanag sa gitna ng dilim, at pag-asa sa gitna ng pagbabago. Siya ay kwento ng pakikibaka at tagumpay, ng pagmamahal at katapangan.
Sa pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan, nawa'y maging inspirasyon ang kanilang mga kwento sa bawat isa sa atin. Huwag nating kalimutan na ang pagiging babae ay hindi lamang tungkol sa kanilang katayuan sa lipunan kundi sa kanilang kakayahang baguhin ang lipunan.
Huwag sanang tuwing buwan ng Marso lamang gunitain at bigyan ng pagpupugay ang halaga ng kababaihan. Matapos man ang buwang ito ngunit hindi magwawakas ang kanilang gampanin sa lipunan.
Artikulo ni: Vhielle Escartin | Sailor
Dibuho ni: Gelio Domingo | Sailor