16/08/2026
TO KUYA, wag na nating pahabain pa... baka ako na talaga yung hinahanap mo. Para mapabilis na rin natin ung proseso ng audition, ilalatag ko na po agad ang qualifications ko na alam kong hinahanap-hanap niyo: marunong po akong magsaing, magluto, maghugas ng pinggan, magwalis, mag-mop, mag-vacuum ng mga masasangsang ang hininga, magtiklop ng damit, magsampay, tapos maglaba ulit, tapos siyempre ititiklop yan pag natuyo, tapos iplaplantsa natin yan, + other plus points na rin marunong po akong magpalit ng bedsheet, maglinis ng CR, mag-refill ng tubig mineral, at patayin ang ref at ilaw bago matulog para maiwasang magbayad ng System Loss. Mahigpit ko rin pong ipagbabawal ang pagti-TikTok kapag ang tugtog ay βdong-digidigidigidong-digiβ nang lampas tatlong beses sa isang araw. Pero allowed ang Brazilian dance para patas ang laban. Maglalagay din po ako ng mga signboard na nagsasabing "Don't touch this b*tch" kapag hindi naman kanila ung bagay bagay --- para po madisiplina ang lahat ng housemates. Tapos hindi naman sa pag-aano ha, may mga umiihi din kasi dyan sa pool mo KUYA eh, di mo lang alam --- aalamin ko yan sa pamamagitan ng Spiderman abilities ko, magiging sidekick moko. Tapos para naman sa mga maot ug batasan, time to implement the by-group policy --- ihihiwalay natin ung mga mabubuti sa masasama... para hindi na rin magkadevelopan pa....(shhhhhhhh)
Sa totoo lang po Kuya, mag-aapply na lang po ako sa inyo. Pa-follow na rin KUYA, salamaaaaattt! π
Untruthfully yours,
Basty
.0