11/12/2025
Hilingin mo ding gawin kang masaya.
Huwag mong kakalimutan ang para sa sarili mo.
Sa bawat paglapit, hilingin mong gawin kang masaya.
Sa bawat desisyong tatahakin mo.
Sa bawat lugar na paglalakbayan mo.
Hilingin mong gawin kang masaya.
Kahit saan ka man makarating.
Sa mga daang maliwanag o madilim.
Kahit pa sa hindi sigurado, ngunit kailangang magtungo.
Hilingin mong gawin kang masaya.
Sa lahat ng mga mithiin mo sa hinaharap.
Sa pinagpapagurang pagtuklas ng lunas.
At sa bawat pagkakataong tinatanggap—
Hilingin mong gawin kang masaya.
Upang lahat ay iyong makaya.
Upang lahat ng gagawin,
ay hindi ka makakaaaninag ng pagsuko.
Dahil masaya ang iyong puso.
Kaya hilingin mong gawin kang masaya.
Sa paraang nararapat palagi sa kalooban Niya.
Words by:
Mga Akda ko🇮🇹